Never Say Die!

Lahat naman tayo nasaktan na natalo tayo sa Game 5. Lahat tayo na-disappoint. Lahat kasi tayo sobrang mahal ang team na ito. Lahat kasi tayo mataas ang expectation sa team na ito na anim na taon nating hinintay na bumangon. 

May rason tayo para lehitimong magalit. Anim na taon tayong sumoporta kahit walang championship na kapalit. Iyong iba sa atin na gaya ko, mahigit dalawang dekada ng supporter ng team, kahit wala pa akong muwang sa mundo, ipinakilala na sa akin ng tatay ko ang basketball sa pamamagitan ni Jaworski. Hindi kahit na minsan kong inisip lumipat ng bangka. 

Naiintindihan ko ang galit mo, ang inis mo bilang isang die hard fan. Naiintindihan ko ang pinaghuhugtan ng sama ng loob mo sa very disappointing na Game 5. 

Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako kasing-lungkot mo. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nanggagalaiti sa galit kay LA, or sa kung sino mang Ginebra player na nagpatalo ng team. Ngayon ko na ipinagkibit ng balikat ang sobra-sobrang inis ko sa mga referees.

Wala na akong pakialam maging benta man, bigay, luto, manipulated ni Ang or ano pa man ang seryeng ito. I am way pass scrutinizing what went wrong with the previous games. Ayoko nang hukayin pa ang teknikalidad ng mga bagay. Tapos na iyon eh, ang mahalaga, hindi pa tapos ang seryeng ito. 

I just want to make a statement to the world that I am a true “never say die” fan. Hindi ako madaling mapasuko. Hindi ako madaling bumitiw. Lalong hinding-hindi ko iiwan ang isang team na nakapagbibigay sa akin ng kakaibang uri ng pag-asa at kagalakan. I won’t abandon Ginebra. Never. 

Nandoon kami sa Araneta when James Yap took that 3-point shot. Nandoon kami when LA committed what I would consider his most upsetting attempt. Nandoon kami hanggang mag-alisan ang mga San Mig fans na minemenos ang team natin. We witnessed it all. At hindi madaling lulunin lahat ng iyon. Ang hirap-hirap. Masakit. Nagalit kami. Nainis. Na-depressed. Lahat kami disappointed. 

Pero saan ba kami humugot ng lakas para maging masaya after the game? We found comfort knowing how good Ginebra is with do or die games. Alam namin ang extent ng puso na kayang ibigay ng bawat player. Through the years, regardless of who plays for Ginebra or sino pa man ang line up na bumubuo dito, the never say die spirit continues to live. And that spirit keeps us afloat no matter what. 

Habang kumakain kami sa Gateway kagabi, isa lang ang naisip namin – hindi pa tapos ang laban, may games 6 and 7 pa naman. Sabi nga ni Jawo, sa isang game, hanggat hindi pa tumutunog ang buzzer, hindi pa talo. Sa isang serye, hanggat hindi pa nagcha-champion ang kalaban, hindi pa talo ang Ginebra. 

At iyan, mga ka-die hard, ang talagang pinanghahawakan ko! Saka manonood pa si Jawo ng Finals, ano! 

Kaya mga ka-die hard, see you in Games 6 and 7. Cliche-sounding it may seem, gasgas na gasgas man sabihin, babawi tayo! Malayo man ang inikot ng prusisyon ng kumperensyang ito, sa Finals pa din ang tuloy ng Ginebra.

 

I love this bloggie, too!

Open Letter to LA Tenorio

Advertisements

The writer’s block

For those na nawawalan ng heart (gana) at “moment” na sumulat, don’t be disheartened. Lahat naman dumadaan diyan, kahit ako. We are artists kasi, hindi kasi trabaho kundi passion, vocation ang writing for us. Kung may ilan na mabilis sumulat, eh ganon talaga. Nagugulat din ako minsan sa mga local pubs na halos linggo-linggo ay may new releases.  Kaya some of them appeared as “hilaw” or recycled fro…m previous novels. Mediocre rate.

As artists, we don’t work that way. Hindi mo kahit kailan mapipilit magpinta ang isang pintor kung wala sa wisyo. Kahit 3 araw yan tumitig sa canvass, nada. As writers, ayaw natin iyong mga “instant”, kumbaga sa pagkain, gusto natin full course meal, gourmet. Hindi puwedeng de-lata lang or babanlian mo lang ng mainit na tubig, luto na. Walang sustansya ang ganon, walang laman, walang lasa.

And surely we don’t want that to happen sa mga works natin di ba? Mga anak natin yan. As mothers, kung maaari lang ayaw nating stillborn ang bata, dahil gusto natin fully developed lahat ng organs. Ilang taon kong nilabanan ang “writer’s block” na yan. May 3 years na din ata. hahaha.   Try to get as much stimuli as you can. Read books. Watch movies and series (I suggest to veer away from Asianovelas for now, ok). Kung kaya ninyo, try to watch old movies, local and foreign. Listen to music. Go out. Discover places na puwede ninyong i-incorporate sa mga gawa ninyo.

Huwag tayong maghilahan ng katamarang sumulat. Let’s lift each others up, okay sissies?

Kaya natin to! AJA!

Why I didn’t vote for Noynoy Aquino! (Wisest decision I’ve made in my life)

Costguards found at fault daw sa Taiwanese shooting sa Batanes. Ano pa bang i-e-expect ko from this Administration?

Balewalang isakripisyo buhay ng kapwa-Pilipino para sa pansariling interes. Mahirap ang apihin sa sariling bansa lalo na ang aapi sa iyo ay ang taong dapat na nagtatanggol sayo – ang Pangulo. Hindi na ako magtataka kung mas maraming mga taga-ibang bansa ang patuloy na mangisda sa loob ng Pinas. Itong mga piratang ito, unti-unting papatayin sa gutom ang mga Pilipino dahil mas marami pang huli kaysa sa mangingisdang Pilipino. Okay lang na tayo ang unti-unting mamatay. Kungsabagay, ano bang ikakatakot ng mga taga-ibang bansa kung kakampi nila ang mismong gobyerno ng Pilipinas…Imbes na ipagtanggol tayo, ipinagkakanulo at iginigisa tayo sa sariling mantika. 

This is what the President wants, I gather… Now fellow Pinoys, ito po ang Presidenteng ibinoto ninyo at sa nakaraang eleksyon, dinagdagan pa ninyo ng mga senador na hawak niya din sa leeg….

Saan na tayo pupulutin?

It Takes a Man and a Woman : MOVIE SPOILERS and HIGHLIGHTS

***SPOILER ALERT***

Done watching IT TAKES A MAN AND A WOMAN. Para sa mga tumugaygay sa movie series na ito, I say sulit na sulit naman po ang PHP200 na ibinayad ko sa SM Cinema para mapanood ang 3rd (last na kaya? Sana hindi pa…) installment ng love story nina Laida Magtalas and Miggy Montenegro….

Highlights :

1. Aabangan ninyo siyempre ang bakbakan ng mag-ex. Love ko ang mga eksena ng dalawa — bangayan, asaran, inisan, verbal clashes, pasaringan, etc…

2. I appreciate Sarah Geronimo‘s great improvement as an actress. Sure, her acting in this movie still won’t earn her an award (except for another BOX OFFICE QUEEN, I guess), but I loooove her transformation. I think Sarah G is taking her career seriously, she has improved tremendously as a performer, now as an actress naman. “Wow, big word!” line? Classic! Hahahaha

3. Naiyak ako when John Lloyd was trying to win Sarah back sa movie — kung paano siya nakiusap na patawarin siya ni Sarah. Pero naiintindihan ko din si Sarah or si Laida, simply because pareho kaming magmahal — all out and uber FAITHFUL.

4. Ang pinakagusto ko ang ZOILA and friends – ito ung TRIO tandem nina Gio Alvarez, Joross and Matet. Winner! Lalo na iyong scene na “Laro tayo ng TAGUAN….Taguan ng feelings!”.

5. I love the scene when Sarah was flipping the pages of a magazine, deny to death na nagseselos pero napilas ang isang page sa panggigigil. Funny, that one!

6. Everything about the wedding, I super love love. Save for the crappy wedding vows, lahat perfect. The frivolous set-up of the church, the wedding gown and that of the sponsors, lahat-lahat sa wedding. Bummer! Hindi pa din nagpahalik si Sarah G sa movie! I guess, maghihintay pa tayo nang matagal bago mabinyagan ang labi ni Popstar Princess on the big screen.

7. All in all, hindi ang kilig factor ang naalala ko sa movie but the hearty laughter and the falling of tears galore sa ilang eksena.

Kung panonoorin ko ba ulit? Oo naman, the problem is, wala na akong budget 😦

Sana may part 4: Iyong mag-asawa na sila…Overkill na kaya? Kung may part 4, panonoorin ko ba? SIYEMPRE!

Image

I Love You…Always and Forever

Why is it that everytime I think of you, I always have this urge to cry? Can’t believe I am still feeling the pain ’til now, the pain is so raw; the longing so agonizing 😥

I miss you so much it hurts, by hurt, I mean the pain is killing me…
Yet, when I look at how far you’ve been and how successfully you’ve found your place under the vast sun, I feel great. I feel so happy, proud…

I love you, I guess all these years, nothing changed at all. No matter how hard I fool myself, I just can’t stop loving you.

I love you, I honestly do. I always have, I always will…

 

Seattles Best Coffee @SM Megamall – POOR CUSTOMER SERVICE!

Just remember a bad experience from Seattles Best Coffee in SM Megamall (along MegaStrip) last Monday, Feb 04, 2013. The entire crew – from the utility guy, to the guards and bartenders were all rude. Plus the fact that even if we’re not done and ready to leave, the spotlight on our table was put down, while they let the other diners (from other tables) linger. Given that we maybe a bit loud (with chickahan galore) and all but if we as much created disturbance especially to other diners, they could have asked us to tone down and we’d gladly adhere. They need not rudely treated us so we’d be forced to leave. If anyone happens to know Jayson Raymundo (that’s the name of the branch manager according to one crew member), kindly ask him to re-orient his crew a thing or two about CUSTOMER SERVICE.

Nakakahiya naman sa amin, um-order kami lahat ng drinks with no one seating-in para makiupo lang, tapos sa ibang table, paisa-isa lang tapos kami pa iyong papatayan ng ilaw. Degree holders naman kami at puwedeng kausapin nang matino. We opted not to talk to the manager on duty because she should know what her people are doing at the time she’s there to supervise, right? Who knows if the instruction to turn the light off on our table did actually come from her?

If you happen to drop by Megamall and need to grab a cup of coffee or a blended one, PLEASE DO NOT PATRONIZE SEATTLES BEST in MEGAMALL! Poor, pathetic customer service! I hope this rant would reach the powers that be at Seattles Best Philippines! Thank you!

 

Return to Home.