Who’s playing Mafia Wars (Facebook)?

I am no online and cyber gaming fan. Hehe, throwback from the past ako, eh. Hardly a techy slave. But I definitely enjoy facebook, esp the games. Madali kasing laruin although hindi kasing ok ng totoong game where you see your character moves everytime it fires or what pero ok lang talga. No brainer. Pero ma-a-addict kang mag-level up.

So addicted to Mafia. As in grabeh, lalagnatin ata ako pag hindi ako nakalaro sa isang araw. Kami sa office uber addict. Pati pag-vault ng colelction kina-career. Masarap ding angburaot ng ibang gamer. It’s time to unleash the godfather in us, the mobster in us.

Advertisements

One Great Loss

Napakarami na nating pinagsamahan. Sa hirap man o sa ginhawa, sa lungkot at saya,  lagi tayong magkasama. Sa totoo lang patataubin natin ang San Miguel, iba pa rin ang may pinagsamahan. Ang dami na nating pinagdaanan. May mga pangyayari na naganap, ang iba’y nalimot na, ang iba nama’y paminsan-minsang naaalala. Pero may mga pangyayaring mahirap malimutan — isa na doon ay noong araw na nakilala kita.

Kay rami na ring nagbago sa pagdaan ng mga oras, ara, buwan at taon. May mga artista,manganganta at bandang sumikat at nalaos. Mga kantang kinabisado, nalimutan at mga kantang tumatak sa ating mga puso. Marami ng shows sa tv ang naumpisahan at natapos. Pero sa puso ko, hindi ka kailanman malalaos o matatapos.

Ilang tao na din ang dumating, umalis, bumalik, nakalimot, nakaalala at kinasasabikang makita pero nanatili ka sa tabi ko. Pero bakit ngayon iniwan mo na ako ? Bakit? Naging tapat ako sa’yo, kahit kailam hindi kita iniwan at ipinagpalit sa iba? O hindi hinanapan ng mga bagay na alam kong hindi mo kayang ibigay? Paano na ako? Paano na, sabihin mo! Paano ko ipagpapatuloy ang buhay nang wala ka?

At higit sa lahat, paano ko ite-text lahat nga nasa phonebook ko para ipaalam na wala ka na, ha? Sabihin mo! More than 200 ang dapat kong i-text para sabihing wala ka na, ha! Hindi mo ba alam na masakit sa daliri lalo na sa hinlalaki ang mag-text at sabihing may bago na akong GLOBE SIM, ha! At higit lalong masakit sa bulsa!  200 plus texts, anak ng SIM CARD naman! Ngayon, 09155639776, pagkatapos ng halos anim na taon, paano na ako?

P-A-A-N-O !!!

DSC00006

=================================================

Nakabili na po ako ng bagong SIM. Masakit man sa loob ko,wala po akong magawa. Mahal na mahal ko ang dati kong Sim. Hindi ko nga maintindihan kung bakit may mga taong grabe ang bilis magpalit ng number.

What’s inside ur bag???

Like one of the segment of Boy Abunda and Kris Aquino’s primetime show, SNN (Showbiz News Ngayon) where they managed to show what other artists have inside their precious bags (as bags that could cost hundreds of thousands to millions of pesos.)

Hindi ko talga kayang iwan alinman sa mga ito..i feel naked when I left something at home…

– Clean & Clear pressed powder
– blush on
– Zaija eye cream
– island Life Vanilla Splash
– bath & body works cucumber melon
– 2 shades of lipstick (Martha Tilaar and Sara Lee)
– MD Hortaleza AHA gel (for pimple emergencies)
– Ponds facial lotion
– Lewis and Pearl loose powder
– Nivea lip care
– Olay moisturizing cream
– Petroleum jelly
– umbrellla
– pouch with my charger, USB disk, card reader, K610i cp
– shades
– wallet/puch that has several compartments for my key, cash and cards

– toothbrush and toothpaste
– my medicine kit/pouch esp for my allergic rhynitis and vertgo attacks
– hair brush
– small organizer
– extra napkins (Sisters is my brand!)
– facial tissue
– I always bring my passport and other ID’s

Ang Galing ng Pinoy!

 Haay! Imagine the Philippines competing against tech giants like Japan, Korea and China??? Underdog di ba?

 Kwidaw!  Not at all! Kasi po our very own students from Grace Christian HighSchool in Batangas proved us otherwise! They emerged as Gold Medallists lang naman, as in GOLD MEDALISTS sa World Robotics Olympiad! And this is not pure luck, because we actually bagged the Gold Medal last year in the Open Category, so tayo ang may hawak ng korona or defending champion. Kung maaalala ninyo ‘yong cafeteria serving Kapeng Barako na puro robots, that was last year’s entry from FAITH (First Asia Institute of Technology and Humanities) na nanalo nga ng Gold Medal last year. This year, Grace Christian Highschool came up with Operation Security Guaranteed, a city diorama that has groups of security robots to secure the city from terorists’ attacks. Di ba bongga!? The team was composed of Bryan Lao, Alyssa Sheena Tan and Mark Ian Tan. And simula pa lang yan! Marami pang darating! Ramdam na ramdam ko na maghahakot pa tayo ng awards in the field of science and math in the coming years!

 In lieu with this, another pride from Rizal National High School, won 2nd in the Third Water Rocket Event of the 14th Session of the Asia Pacific Regional Space Agency Forum (APRSAF) held in India last month as well. He is John Lorenzo A. Yambot. Hindi ko masyadong naintindihan pero eto iyong objective ng contest ayon sa DOST : “The objective of the contest is for the competitor to design a rocket that would travel within 56 to 59 meters from the launch point. The team that reaches the zone gets a full 100 points for the fete. Going beyond or below this zone would mean lower points for the contestant. Contestants are provided two-liter PET bottles, tools, nozzles and launchers for the construction of the rocket”. Na-gets ninyo ba?
  
 I think it’s about time na pag-aralan ng gobyerno nang mabuti kung paano hahatiin ang national budget. And truly, education should’ve a big chunk along with health services. Mas maganda rin na mabigyan ng recognition lahat ng athletes natin at magkaroon ng maraming incentives — both ‘yong mga normal and special athletes, not to mention the coaches. Well going back to this robotics chenes, nakaka-inspire talaga ang mga bata which fueled my interest to join the academe as a teacher (Hindi naman po sa sinasabi kong magaling ako but I wanna help kasi the academe). They don’t only bring pride but also hope, hope na one day Filipinos would make it to the top; and honestly, I think we’re getting there!

 Imagine ang sunud-sunod na honor na binibigay ng mga Pinoy — in the academe, sports, music, etc…  May hope pa talaga! Truly this is a country, not just of beautiful people with good values, not just a place worth a thousand praises for it’s beautifull places but also home of great talents!!!
 
 Mabuhay lahat ng Pinoy sa buong bundo! Winners talaga ang lahing kayumanggi!