Janis Who? (Charing Lang)

Ako si Janis, ako ay :

– maganda, mabait, makulit, maingay, adventurous, maganda, mabait, makulit, minsan ma-epal, minsan magulo kausap, minsan nagwo-walk out, mainitin ang ulo minsan, mahilig sa chocolates, cakes, ice creams and pastries, mahilig kumain, mahilig magluto, maganda, mabait, iyakin, mahilig magbasa, mahilig magsulat, humaling na humaling kay Betty Boop at sa pockebooks, mahilig sa music (rock/bands/alternative/slo rock), mahilig mag-collect ng magazines, maganda, mabait, minsan pauli-ulit ang kuwento, minsan naman malilimutin at nagkaka-amnesia, weakness ko si Johnny Depp, Roger Moore, River Phoenix, Ginebra Gin Kings, chocolates, novels ni Nicholas Sparks, Jane Austen at karamihan sa books ni Bo Sanchez; crush ko si Francis Magalona, Jet Pangan, Joseph Uichico(current Ginebra coach na nakita ko pala sa Fitness First sa Eastwood at pagkabango-bango!), Siot Tanquencen (former Ginebra coach), Johnny Depp, Roger Moore, Robert Redford, River Phoenix, Jet Li and Eric Clapton, pero wala pa ring tatalo kay Kenshin, ang aking Samurai X;

– more than 120 times ko yatang pinanood ang A Walk To Remember (no exaggeration) at pinanood ko ang The Notebook mag-isa, mukha akong may topak pag labas ng movie house, mugtung-mugto ang mga mata ko at parang siraulong umiiyak mag-isa;

– favorite bands ko lahat ng Pinoy underground bands na mas piniling magutom dahil sa kanilang musika sa halip na maging instrumento ng malalaking kompanya para pagkakitaan; pero para sakin, the best din ang Eraserheads, specially the “With A Smile and Huling El Bimbo” days kaya naging crush ko din noon si Ely Buendia na nawala din as time files by; sa foreign, fave ko naman ang Switchfoot, Gin Blossoms, Dishwalla, Smashing Pumpkins, Mr. Big, Aerosmith, Moonpools and Caterpillar, Blue October at marami pang iba;


– favorite icons ko naman sina Jawo para sa basketball, si Pancho Villa sa boxing, si Ate Gay and Poohquiao sa comedy; fave politicians ko sina Juan “DOH” Flavier, Raul Roco, Dick “Subic” Gordon, Bayani “Kilabot” Fernando at Ex-president Fidel Ramos pero crush ko naman si Bongbong Marcos;


– mahilig ako sa outdoor, sobra, kaya kahit kelan hindi ako pumuti! mountain hiking, beach bumming (kahit hindi ako natutong lumangoy) at kahit anong klaseng nature-tripping; kaya lang may mga frustrations din ako : hindi ako marunong lumangoy, hindi marunong mag-drive, hindi marunong mag-drawing, hindi marunong mag-strum ng guitar at hindi marunong mag-bike (yes, boring ang life ko!) pero okay sa akin ang maligo sa dagat, ok sa akin ang joyride, mahilig ako sa mga banda, nakaka-appreaciate ako ng art at kaya kong sumakay sa bike na may side-car at araw araw akong sumasakay sa pedi-padyak;

– takot ako sa ahas at sa lahat ng klaseng reptile, hindi ko ma-imagine na hawakan sila kahit anong pilit sa akin everytime na nasa park kami : I SIMPLY CAN’T!; may phobia ako sa aso, kahit sa puppy lang, basta takot ako sa kanila, lalo na pag tumatahol or may mga asong nag-aaway : feeling ko mamamatay ako pag nakagat ako; takot din ako sa water, kaya siguro never akong natutong lumangoy, the moment kasi na wala nang maapakang lupa ‘yong mga paa ko, nagpa-panic na agad ako; Takot din ako sa pagtanda at sa death, hindi dahil takot akong mamatay but I still want to do a lot of things and ayokong mawala sa mundo without them being accomplished;

– gusto ko one day ay magkaroon ng sariling business that would run without me (resto or bakehouse) and a business na bubuhay sa family ko (nanay, tatay and my siblings); magkaroon ng beachfront property : kahit maliit lang basta malapit sa dagat, malapit sa nature where I would probably stay when I retire at dadalawin ako ng mga apo ko; gusto ko ring matutong lumangoy nang hindi ako mukhang tanga everytime mag-snorkel ako na lagi akong nakatabi sa instructor/guide; mag-drive (kahit feeling ko kaskasera akong driver) at mag-strum ng guitar (na 31 years ko na yatang sinubukang gawin); gusto ko ring magkaroon ng Masters Degree to be able to teach, yup, gusto kong magturo sa college co’z I feel that I should contribute and equip future professionals sa Philippines; gusto ko ding matuto ng ibang languages – French, Japanese, Mandarin and Spanish; one day, magpa-publish din ako ng books : one that would describe me, a book that would empower women and another one that’d build this nation; and lastly, gusto kong maging active member ng isang NGO : organization na magpo-protect sa lahat ng buhay, most especially the kids, the poor and the nature;

– I don’t wanna die young, that means, I dont wanna die.Period. Because I believe that I am forever young.

 

:janisluvj:

 

Return to Home. Return to Top.

17 thoughts on “Janis Who? (Charing Lang)

  1. shane marie says:

    way to go girl! Ikaw na ikaw nga to!

  2. Isay says:

    pwede bang magdagdag…

    siya din ‘yong pikon at madali magalit na tao, pero u’ll be surprise kze d sha marunong magtanim ng galit… as in kze sa dami ng may atraso sekanya, wala pa kahit na isang tao sa hate list niya

    in short, eto un frend na madali magpatawad sa kasalanan at dahil nde nga nagtatanim ng galit, konting lambing lang ok na yan, bati na kau ulet

    Si janis ‘yong taong HINDI marunong manlait, pwamis, pag nanlalait nga ako ng tao, sama na ng tingin niyan sakin, at dahil takot ako diyan, magso-sorry ako dahil ang motto niyan sa buhay “no one’s perfect, others might be lesser than you are – less talented, less beautiful (physical) but other would also be greater than you are in other aspects. So that makes everyone equal. Kahit sabihin mong kaw pinakamaganda, wala ka pa rin k manlait.” at dagdag pa ng bru, “if u have nothing good to say about a person, just don’t talk.” hay…santitang maldita yan. Sabi niya nga, KARMA lang daw katapat ng lahat ng mga taong masasama.

    Si janis ‘yong tipong madaaling magka-crush pero after 3 days, wala na kze sha un type na ‘dali rin ma-turn off, may makita lang na konting negative trait sa tao, wala na! kaput ka na!

    pero kahit madali magka-crush si janis, mahirap ma-inlove yan at pag may tama yan sa isang guy, hay naku kahit siguro sinong guwapo, mayaman, talented, artista, pulitiko, milyonaryo, seminaryong manligaw, mas malamang ang ” basted ” dahil sobrang loyal sa super crush niya . fyi – 2 times pa lang na-inlove yan, una nung college kami, 2nd nung sa 1st work niya and tama ba? i heard na si crush #2 p den ‘gang ngayon?

    – at dahil si janis din ang pinakamatigas na ulo sa lahat, kahit pauli ulit mong sabihang mag-move on, at kahit paulit ulit niyang sabihing kakalimutan na niya ang napaka-lucky na guy na yan, wag kayo maniala diyan… tatandang dalaga na yan sa pagka-in-despair.

  3. Valintino says:

    Hello, Your site is great.

  4. bibomedia says:

    🙂

  5. joycee says:

    makikidaan po!🙂

  6. Hi, Janis! Great site!

  7. Lambing says:

    hi janis! marami tayong similarities.. that means.. nakaka relate ako sa mga pinagsasabi mo😆

    at natuwa ako sayo

    exchange link po😉

  8. Hello again, Janis! Grabe! Na-touched ako talaga sa mga sinabi mo. Ipagtanggol ba naman ang pinoy literature ng buong puso? Saludo ako sa iyo, mare!

  9. fampings says:

    we are the same…i also want to stay in a place or to have a house that was so close withnature…

    napadaan lang… ang ganda naman ng mga entries mo sa site u.

  10. Janis,
    Sorry, ngayon ko lang nasagot comment mo sa wordpress blog ko. Medyo busy, eh. Maraming salamat sa pagbili mo ng “In Your Arms Again”. Nagustuhan mo ba? March daw ire-release yung kasunod kong book. Wait mo na lang, ha. Thanks again! Mwah! God bless!

  11. janisluvj says:

    wow! thanks. aabangan ko ung next book mo Ms Tarra! More power!

  12. tagal na rin pala ng may huling nag-iwan dito ng bakas. hanap ako ng hanap kung saan ang “about page section” mo, hahaha, dito lang pala sa “Charing Lang” makikita.

    gusto ko palang sabihin na nagustuhan ko rin ang iyong napiling “playlists” sa iyong tambayan, tagal ko na rin naghahanap ng bagong musika/“artist” na may kakaibang dating, nag-enjoy ako sa pakikinig sa “mary me amy” partikular sa kanta nilang “mem’ries of bright skies at gusto ko”.

    p.s. kapansin-pansin din ang iyong sandamakmak na libro na kadalasan ko lang nakikita sa booksale, grabe ang dami mong libro, parang parentahan lang.

    kamusta.

    cup.

    • janisluvj says:

      hi there. hello naman. oo tagal na nga at pati entry ng page na to eh matagal ng hindi na -edit
      NOTE : more than 120 times kong pinanood ang A walk to remember.
      regarding by books, kulang pa nga yan, marami pang nadagdag. pero marami ding naitapon dahil na-Ondoy ako last 2009.

      salamat naman na nagustuhan mo ang playlist. my fiend amy (the vocalist) would love to hear na maraming nakaka-appreciate ng works nila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s