Never Say Die!

Lahat naman tayo nasaktan na natalo tayo sa Game 5. Lahat tayo na-disappoint. Lahat kasi tayo sobrang mahal ang team na ito. Lahat kasi tayo mataas ang expectation sa team na ito na anim na taon nating hinintay na bumangon. 

May rason tayo para lehitimong magalit. Anim na taon tayong sumoporta kahit walang championship na kapalit. Iyong iba sa atin na gaya ko, mahigit dalawang dekada ng supporter ng team, kahit wala pa akong muwang sa mundo, ipinakilala na sa akin ng tatay ko ang basketball sa pamamagitan ni Jaworski. Hindi kahit na minsan kong inisip lumipat ng bangka. 

Naiintindihan ko ang galit mo, ang inis mo bilang isang die hard fan. Naiintindihan ko ang pinaghuhugtan ng sama ng loob mo sa very disappointing na Game 5. 

Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako kasing-lungkot mo. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nanggagalaiti sa galit kay LA, or sa kung sino mang Ginebra player na nagpatalo ng team. Ngayon ko na ipinagkibit ng balikat ang sobra-sobrang inis ko sa mga referees.

Wala na akong pakialam maging benta man, bigay, luto, manipulated ni Ang or ano pa man ang seryeng ito. I am way pass scrutinizing what went wrong with the previous games. Ayoko nang hukayin pa ang teknikalidad ng mga bagay. Tapos na iyon eh, ang mahalaga, hindi pa tapos ang seryeng ito. 

I just want to make a statement to the world that I am a true “never say die” fan. Hindi ako madaling mapasuko. Hindi ako madaling bumitiw. Lalong hinding-hindi ko iiwan ang isang team na nakapagbibigay sa akin ng kakaibang uri ng pag-asa at kagalakan. I won’t abandon Ginebra. Never. 

Nandoon kami sa Araneta when James Yap took that 3-point shot. Nandoon kami when LA committed what I would consider his most upsetting attempt. Nandoon kami hanggang mag-alisan ang mga San Mig fans na minemenos ang team natin. We witnessed it all. At hindi madaling lulunin lahat ng iyon. Ang hirap-hirap. Masakit. Nagalit kami. Nainis. Na-depressed. Lahat kami disappointed. 

Pero saan ba kami humugot ng lakas para maging masaya after the game? We found comfort knowing how good Ginebra is with do or die games. Alam namin ang extent ng puso na kayang ibigay ng bawat player. Through the years, regardless of who plays for Ginebra or sino pa man ang line up na bumubuo dito, the never say die spirit continues to live. And that spirit keeps us afloat no matter what. 

Habang kumakain kami sa Gateway kagabi, isa lang ang naisip namin – hindi pa tapos ang laban, may games 6 and 7 pa naman. Sabi nga ni Jawo, sa isang game, hanggat hindi pa tumutunog ang buzzer, hindi pa talo. Sa isang serye, hanggat hindi pa nagcha-champion ang kalaban, hindi pa talo ang Ginebra. 

At iyan, mga ka-die hard, ang talagang pinanghahawakan ko! Saka manonood pa si Jawo ng Finals, ano! 

Kaya mga ka-die hard, see you in Games 6 and 7. Cliche-sounding it may seem, gasgas na gasgas man sabihin, babawi tayo! Malayo man ang inikot ng prusisyon ng kumperensyang ito, sa Finals pa din ang tuloy ng Ginebra.

 

I love this bloggie, too!

Open Letter to LA Tenorio

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s