Dear Santa

Dear Santa,

Merry Christmas!

Puwede ba akong mag-wish ng marami?

Akala ko kasi dati totoo ka,nag-e-exist. Sabi kasi ni Florante lagi ka daw naririto, minamasdan ang ugali namin, tapos magpapakita ka tuwing Pasko para ibigay ang mga aguinaldo namin. Reward kumbaga. Kaya nga pinilit kong maging mabait. But then I realize, hindi ka naman pala totoo.

Ngayon matapos ang magta-talong dekada na nabuhay ako, ang dami nang nagbago. Dati naniniwala akong nag-e-exist ka kahit hindi naman. Ngayon alam kong hindi ka nag-e-exist pero umaasa akong sana nga totoo ka na lang. Talk about one of life’s greatest ironies!

Matagal pa naman po ang Christmas kaya sana po ma-prepare ninyo ang mga gifts ninyo sa akin. Uumpisahan ko na po:

1. Puwede po bang ibalik ako sa pagkabata? Nakakamiss po kasi. Life was so simple then. Walang problema, walang komplikasyon. Lahat ng bagay ay simple at madali.

2. Puwede po bang bantayan ninyo nang mabuti ang pamilya ko? Kasi nakakapagod din po palang mag-alaga. Minsan sana puwedeng humingi ng time out, puwedeng humingi ng break. Kapag hindi ko na po kaya, pakisalo sila.

3. Puwede po bang gawing manhid ang puso? Kahit ilang months lang? Kasi po ang tagal tagal ko nang nagmamahal, nasasaktan pero ayaw po kasing paawat. Nakakapagod din po kasing magmahal, masasaktan, umasa, maghintay. Tapos naghihintay naman pala sa wala.

4. Puwede po bang ma-inlove naman ako sa iba? (hehehehe) Kasi po sa loob ng mahabang panahon, hindi po ito nangyari eh. Bakit po ba siya pa rin? Bakit po ba hindi ako nagsasawa? Bakit po ba ako ganito? Hindi ko na hihilinging making akin siya kasi po kahit ang Diyos alam kong hindi kayang i-grant iyon.

5. Puwede po bang imulat ninyo nang maigi ang mga mata ko? Hindi ko po alam why whenever I’m out and meeting people, it’s as if I’m wearing blinders. Iyon po bang isinusuot ng kabayong humihila ng kalesa para hindi ma-divert ang attention nito. Kasi po kahit milyun-milyong lalaki po ang nakikita ko, hindi ko po talaga sila nakikita for real. Ang gulo po, ano? Na-gets ninyo po ba?

6. Kung hindi ninyo po iga-grant ang wishes 1-5 ko, puwede po ba itong number 6 na lang? Gusto ko po ng maraming Pera. Limpak-limpak. Umaapaw. Liglig. Salapi. Anda. Moolah. Munar. Money. Andalucia copper. Kapag nagkaroon po ako nang marami nito, promise, hindi ko na po iisipin ang iba ko pang wish. You could scrape them all!

Thank you po!

Nagmamahal,
(Ang original Drama Queen)
Janis

P.S.
Siya nga po pala, nagpalit po ako ng SIM last year pero Globe pa din po ako. Paki-text na lang po ako kung may update. Puwede din pong i-e-mail or PM ninyo ako sa Facebook. Teka lang po, in-add ninyo na po ba ako?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s