Somebody who cares???



Was riding a jeepney with my mother going to Cubao earlier.  My mother and I were discussing about Bayani Fernando (one of my “few” fave politicians), we were sort of arguing when we heard a very irrititating noise emanating from a vehicle few meters away from us. No wonder it’s too loud, t’was a siren coming from a firetruck.

Nakakainis lang kc no motorist gave way for the truck, na parang hindi nila alam kung para saan ang truck or kung saan pupunta ang mga bomberong sakay nito. Hindi ba nila alam na baka mag-re-rescue ang mga bombero? Na probably that time may mga buhay ang nalalagay sa panganib? Na puwedeng ilan sa mga kababayan natin yong nawalan ng kabuhayan o hindi kaya buhay (heaven forbid!) talaga?

Naiintindihan ko naman na medyo ma-traffic pero hello pede naman magbigay-daan the moment na umusad kahit kaunti ung traffic di ba? Bakit ba nagmamadali lahat at ayaw padaanin ang truck?


Simple lang. Kasi nga naman hindi naman ung mga bahay ng mga nagda-drive ‘yong nasusunog, so why bother? Hindi nga naman bahay or appliances nila ung tinutupok ng apoy, so ano nga naman pakialam nila? Na-o-observe ko din to sa mga ambulances. Palibahasa hindi nga naman nila pasyente ung nakasakay.


Nakakainis lang kasi para bang wala na tayong pagpapahalaga sa kapwa. Hindi natin naisip na may mga buhay at ari-arian ang maaaring maisalba kung magpaparaya lang tayo kahit sandali lang. Ano ba naman ung iilang minuto? Kung tayo kaya ung mangailangan ng tulong tas pagdadamutan tayo ng iilang minuto, paano kaya?


Dapat kasama sa curriculum ng LTO bago magbigay ng license ang mga ganitong bagay. Simpleng pagbibigay lang naman, simpleng pagmamalasakit at pakikipagkapwa-tao ang kailangan!


Nakakainis talga!!! Wala na tayong pagpapahalaga sa buhay!!

3 thoughts on “Somebody who cares???

  1. Lambing says:

    haiss sinabi mo pa sis.. sarili lang kasi ang iniisip nun iba..

  2. yiN says:

    Nakakainis nga mga ganyan, buntong hininga na lang. Padaan ate. Naligaw, nagbasa, sumigaw, umalis, babalik.

  3. metaporista says:

    Dapat talaga maayos na yang problema sa trapik. totoo yang sinabi mo. Kahit yung ambulansya nga minsan na mas maliit naman compare sa firetruck ay hindi rin nila napapadaan. Siguro naman hindi rin nila talaga kagustuhan yun. Nagkakataon lang talaga na walang bumper to bumper ang trapik. Dapat kasi lahat ng Major roads ay may extrang road sa gilid na hindi pwedeng gamitin basta-basta. Gagamitin lang yun para makatabi yung ibang sasakyan para pag-bigyan yung mga may karapatan mag-wangwang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s