Somebody who cares???



Was riding a jeepney with my mother going to Cubao earlier.  My mother and I were discussing about Bayani Fernando (one of my “few” fave politicians), we were sort of arguing when we heard a very irrititating noise emanating from a vehicle few meters away from us. No wonder it’s too loud, t’was a siren coming from a firetruck.

Nakakainis lang kc no motorist gave way for the truck, na parang hindi nila alam kung para saan ang truck or kung saan pupunta ang mga bomberong sakay nito. Hindi ba nila alam na baka mag-re-rescue ang mga bombero? Na probably that time may mga buhay ang nalalagay sa panganib? Na puwedeng ilan sa mga kababayan natin yong nawalan ng kabuhayan o hindi kaya buhay (heaven forbid!) talaga?

Naiintindihan ko naman na medyo ma-traffic pero hello pede naman magbigay-daan the moment na umusad kahit kaunti ung traffic di ba? Bakit ba nagmamadali lahat at ayaw padaanin ang truck?


Simple lang. Kasi nga naman hindi naman ung mga bahay ng mga nagda-drive ‘yong nasusunog, so why bother? Hindi nga naman bahay or appliances nila ung tinutupok ng apoy, so ano nga naman pakialam nila? Na-o-observe ko din to sa mga ambulances. Palibahasa hindi nga naman nila pasyente ung nakasakay.


Nakakainis lang kasi para bang wala na tayong pagpapahalaga sa kapwa. Hindi natin naisip na may mga buhay at ari-arian ang maaaring maisalba kung magpaparaya lang tayo kahit sandali lang. Ano ba naman ung iilang minuto? Kung tayo kaya ung mangailangan ng tulong tas pagdadamutan tayo ng iilang minuto, paano kaya?


Dapat kasama sa curriculum ng LTO bago magbigay ng license ang mga ganitong bagay. Simpleng pagbibigay lang naman, simpleng pagmamalasakit at pakikipagkapwa-tao ang kailangan!


Nakakainis talga!!! Wala na tayong pagpapahalaga sa buhay!!

Advertisements