Who’s playing Mafia Wars (Facebook)?

I am no online and cyber gaming fan. Hehe, throwback from the past ako, eh. Hardly a techy slave. But I definitely enjoy facebook, esp the games. Madali kasing laruin although hindi kasing ok ng totoong game where you see your character moves everytime it fires or what pero ok lang talga. No brainer. Pero ma-a-addict kang mag-level up.

So addicted to Mafia. As in grabeh, lalagnatin ata ako pag hindi ako nakalaro sa isang araw. Kami sa office uber addict. Pati pag-vault ng colelction kina-career. Masarap ding angburaot ng ibang gamer. It’s time to unleash the godfather in us, the mobster in us.

Advertisements

little poetic (for my special someone)

VACUUM

There’s a place in me where your memory rests;

where your voice and laughter linger.

It is a place no one else ever occupied and nobody dared penetrate.

It is a place only you dominate,

a place where only the sweetest thoughts of you dwell and don’t seem to end.

It is a place where forever is really endless and always never ceases.

It is a place where, even if love dies, the heart refuses to say goodbye.

It is a place where a part of you will always be a part of me

for it is a place where you become me.

********************************************************************************************

(nagpaka-trying hard akong maging Pablo Neruda dito. Haha, ang hirap pala co’z poetry isn’t my main dish. Pang-prose ata ako! Nyahay! Sana mabasa niya toh!)

********************************************************************************************

One Great Loss

Napakarami na nating pinagsamahan. Sa hirap man o sa ginhawa, sa lungkot at saya,  lagi tayong magkasama. Sa totoo lang patataubin natin ang San Miguel, iba pa rin ang may pinagsamahan. Ang dami na nating pinagdaanan. May mga pangyayari na naganap, ang iba’y nalimot na, ang iba nama’y paminsan-minsang naaalala. Pero may mga pangyayaring mahirap malimutan — isa na doon ay noong araw na nakilala kita.

Kay rami na ring nagbago sa pagdaan ng mga oras, ara, buwan at taon. May mga artista,manganganta at bandang sumikat at nalaos. Mga kantang kinabisado, nalimutan at mga kantang tumatak sa ating mga puso. Marami ng shows sa tv ang naumpisahan at natapos. Pero sa puso ko, hindi ka kailanman malalaos o matatapos.

Ilang tao na din ang dumating, umalis, bumalik, nakalimot, nakaalala at kinasasabikang makita pero nanatili ka sa tabi ko. Pero bakit ngayon iniwan mo na ako ? Bakit? Naging tapat ako sa’yo, kahit kailam hindi kita iniwan at ipinagpalit sa iba? O hindi hinanapan ng mga bagay na alam kong hindi mo kayang ibigay? Paano na ako? Paano na, sabihin mo! Paano ko ipagpapatuloy ang buhay nang wala ka?

At higit sa lahat, paano ko ite-text lahat nga nasa phonebook ko para ipaalam na wala ka na, ha? Sabihin mo! More than 200 ang dapat kong i-text para sabihing wala ka na, ha! Hindi mo ba alam na masakit sa daliri lalo na sa hinlalaki ang mag-text at sabihing may bago na akong GLOBE SIM, ha! At higit lalong masakit sa bulsa!  200 plus texts, anak ng SIM CARD naman! Ngayon, 09155639776, pagkatapos ng halos anim na taon, paano na ako?

P-A-A-N-O !!!

DSC00006

=================================================

Nakabili na po ako ng bagong SIM. Masakit man sa loob ko,wala po akong magawa. Mahal na mahal ko ang dati kong Sim. Hindi ko nga maintindihan kung bakit may mga taong grabe ang bilis magpalit ng number.