Para sa malalamig ang Valentines…

“Malapit na pala ang Valentines Day. At ang touching na tanong sa mga single…
Do you feel any pressure right now? “

‘Twas an SMS sent by Bhibe while I was having breakfast earlier sa Tropical Hut sa Cubao (mag-plug daw ba ala commercial model). As usual I was alone co’z Thursday is my “Me Day”. Napangiti ako kahit mukha akong tanga. Kasi naman sanay na ako sa mga ganitong text tuwing may mga special occasions. Lagi na lang “questionable” kundi man “intriguing” ang pagiging single ko. Minsan nga nakakapikon na, ano nga bang masama maging single at 27? It’s as if being single is an ugly status, a plague, an indication that something might be wrong with you. Pero I am not at all bothered. Why should I? Hawak ko ang oras ko, wala akong iniintindi na kailangang pagpaalaman pa kung may mg amajor decisions akong gagawin sa buhay. And I could be whoever I choose to be with!
Minsan tinanong ako ng isang friend ko, hindi daw ba ako naiinggit sa ibang may mga ka-holding hands habang nag-mo-malling, sa mga couples na nagsusubuan ng pagkain, hindi daw ba ako naiilang minsan sumama sa ibang friends ko na may akay-akay or nakaakbay na bf tuwing may mga get-together…Hmmm…I wouldn’t say na naiinggit ako, pero nagwo-wonder naman ako minsan kung paano nga ba ang buhay ko if I’ve entered coupledom. Masaya kaya ako? Malambing na gf? Selosa? Demanding? Nagger? Well, naiisip ko din naman ang mga ganitong bagay…paminsan-minsan nga lang! (Hehehe)

Comment naman ng mga friends ko kaya hindi daw ako nagb-bf e dahil choosy ako (we had conversed sa YM:)

malen: ang choosy mo ha
janis: basta…
janis: may darating pa naman ata
janis: baka na-traffic lang…
malen: lol
janis: kaya wait lang tayo ng konti
janis: male-late lang sila
malen: hahah
malen: sobrang late na kaaaayaaaaaaaa
malen: hahahhha

eto pa …


irene: napaka – pihikan naman!
janis: hndi naman…no magagawa ko wla akong makita
irene: wag ka kasi maghanap
irene: yung sa akin dumating na lang
janis: wala na sigurong darating…
janis: mukhang sobrang late na…hehhe
irene: anu ka ba
irene: bata ka pa!
janis: hindi late lang ung darating…na-traffic ata
irene: haha

Pero baka nga sobrang late na at hindi ko na namamalayan ang oras? As if on cue, tumugtog pa ung Mojofly song sa background, di ko alam kung tinatakot or pinapa-guilty ako :


“Laging bigo laging sawi sa pag ibig
Minamalas o kay sakit
May balat nga ba ako sa pwet
Gusto ko lang maranasan umibig
Tamaan ni kupido
Gusto ko lang maranasan ang langit
Tumibok muli ang puso ko
Tumatakbo ang oras naiiwan na ako
Ng panahon

Nakaka-pressure nga bang maging single? Hindi naman para saken. At choosy nga ba ako? Feeling ko hindi naman. Minsan nga tinanong ako ni nanay kung hindi daw ba ako natatakot tumandang dalaga, na hindi daw ba ako takot or nalulungkot dahil mag-isa ako. Haller, mother, ngayon pa lang ako nagdadalaga so please no pressure! And ano bang nakakalungkot sa pag-iisa ko, mother, independence ang tawag diyan, sanayan lang ang mag-isa. Pero alam ko iyon ang fear ni mother, ‘yong masyado akong masanay mag-isa. Well, ano bang magagawa ko, eh sa wala akong makita! Well, nanininiwala naman akong darating din kung sino mang herodes yan, noh! Mag-we-wait na lang ako. Actually, natutuwa pa nga ako na hindi pa siya dumarating. Ang dami ko pa kasing gustong gawin, gustong ma-accomplish and everything. Baka ‘pag ngayon dumating yang si Mr. Right-slash-Hotshot Gorgeous Guy-slash-Lothario na yan eh hindi ko bigyang pansin sa dami ng priorites ko sa buhay. Naka-line up pa nga hanggang 2012,e, hehehe…Ayoko nga na darating siyang hindi ako prepared, I hate surprises pa naman. Ayoko ng dinadaan as gulpi de gulat at talagang magugulpi ako nang todo. Gusto ko dilat na dilat ang mga mata ko at ready ko siyang i-welcome with open hands, heart and soul at lahat lahat ng puwede pang i-open.

Pero kung sakaling dumating siya ngayon, I guess wala akong choice kundi tanggapin ang kapalaran. Sabi pa naman nung matandang babaeng nakasalubong ko no’ng college pa ko nung magsimba kami ni Shiela sa Quiapo, “Isang beses lang  darating ang pag-ibig sa buhay mo. Kapag pinalampas mo, hindi na babalik.” That time, na-lurkey ako sa machiondang ale na yun, naisip ko pa na malamang sa hindi tumira ng rugby si manang noon,  pero ngayon ko naisip na “it makes sense”. No woman would really know when she’s gonna fall in love di ba? Pero habang wala pa ung greatest TL ng buhay ko, I’ll enjoy life muna. And I intend to enjoy it to the fullest full! At sisiksikin ko pa para umapaw! Echos!

4 thoughts on “Para sa malalamig ang Valentines…

  1. aiyecka says:

    amen to that! kahit di ako Single. Hahahaha!

  2. anakngpating says:

    naku ate status natin pareho single hehe..
    naku may kilala pa nga ko 30 na wah padin luv lyf at ni minsan ata hindi nag ka boyps hindi naman pihikan ewan ko ba hehe..

    hindi naman talaga po yan minamadali kusang darating…

    punuin mo para umapaw masaya yun hehe..madaming madaming pagamamahal..ahihih..

  3. anakngpating says:

    links na rin po kita hehe salamat…

  4. Lambing says:

    pareho tayong singol dear.. pero okey lang yan… wag mong hintayin.. darating din yan..😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s