I hate my name!

Sabi nila you should always think that your given name is the best name in this entire planet. Hello? I hate my name kaya noh! Kung bakit kasi ang dami-dami namang ibang name, bakit Janice pa! Basta I truly hate it! Parang wala kasing dating, e! Hindi ko alam kung jologs, hindi naman sosyal. Hate ko lalo kapag ang pronunciation ay Dyanis (mabilis) hindi Dya-nis! Tuloy pinilipit kong i-change ung spelling from Janice to Janis!

– Lagi na lang akong may kapangalan. Noong bago ako sa 1st company na nag-work ako, in-anticipate ng TM ko ang aking pagdating, thinking na ako ung lifetime crush niya from UST. E kapangalan at kaapelyido ko pa. Feeling ko na-disappoint nung ako ung makita instead na ung crush niya. Asssaaarrr!!!

– Tapos pag kukuha ako ng NBI, never, as in never akong nag-attempt kumuha ng clearance na hindi ako bumalik for verification! D-U-H! Mukha ba akong wanted?! Addict, baka pa! Echos!

– Kahit anong klaseng pirma, hay, sabog talga! Para bang walang k ang letter J para gawing lehitimong signature! Bakit kasi hindi sa letter A, M , K or R nag-start ang name ko!?

– Sa tinagal tagal kong nagbabasa ng mga romance novels, 3 beses ko pa lang na-encounter ang name ko. And take note, dakilang KONTRABIDA ang drama — in short — MALDITA, MANG-AAGAW at MAPANG-API ! May isang instance pa na nagamit ang name ko sa isang novel kung saan Aling Janice ang katabi ng bida sa jeep na may B.O.! Ang saklap naman ng kapalaran!  Gayong sa totoong buhay ay BIDA MATERIAL NAMAN ANG LOLA NINYO !!! Kaya nunca, noong sang beses na makita kong Janis ang name ng pangalan ng bidang babae, mega-grab na ako ng copy! Aba, once in a blue moon ang mga ganitong pangyayari!

– Saka sa movies, D-U-H, malabo ba talgang ma-associate sa “sweet” ang pangalang Janice para gawing bida! Haaay! Pasaway ang buhay!

– Tapos ang dali pang hanapan ng pang-inis ang Janice, like “Janice Nakakainis, amoy-patis, amoy-panis! Asawa ng pulis!” Nakakaiyak naman!😦

 Sabi ni Ken, marami daw paraan para mapalitan ang name. May legal na paraan daw at puwede akong magpa-binyag ulit! Or puwede ko din daw siyang pakasalan TODAY para mabago ang name ko! Say ko naman, ung Janice ang gusto kong palitan, hindi ung last name ko! Ayun, kutos ang inabot sakin kahit 6’2” ang height niya! Kiber!

Hay, kayo love ninyo ba ung name ninyo?

 

One thought on “I hate my name!

  1. Catey says:

    first!

    Tawa to the max!!!

    second!

    Hayaan mo na name mo! Sikat kasi dati ang bearer ng name na yan! Sikat na childstar. Sabagay pwede ka naman pangalanan na Flordeluna o Analiza! Niyahaha!!

    Kung naging Analiza ang name mo, kapangalan mo si Lizle Martinez! LOL

    Ako nga wish ko dati yssabelle name ko. Pero kapangalan naman ng boldstar ng 80’s kaya maski paano oki na ako sa namesung ko!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s