Akyat pa Pinas!:New 7 Wonders of Nature

Hay, what can I say so happy sa itinatakbo ng online voting for the New 7 Wonders of Nature. Ba’t ng aba hindi, e last time na nag-check ako, #2 na ang Tubbataha and #3 and Chocolate Hills, #5 and Puerto Pincesa Subterranean Park and #9 ang Mt. Mayon. Super love ko talga lahat ng nag-vote! I mean God made this country a paradise so we better show the world that it’s true!We could actually offer more…Sabi nga sa isang patriotic WOW Philippines-sponsored commercial :

“God enjoyed creating the island of the Philippines so He created 7, 106 more!”

Continue to vote! Let’s promote eco-tourism kasabay ng medical tourism campaign. I know one day we’d reap what we sow today!

More info on our entries :

http://ourphil.blogspot.com/2008/04/new-7-wonders-of-nature.html

Live ranking :

http://www.new7wonders.com/nature/en/liveranking/

Advertisements

I hate my name!

Sabi nila you should always think that your given name is the best name in this entire planet. Hello? I hate my name kaya noh! Kung bakit kasi ang dami-dami namang ibang name, bakit Janice pa! Basta I truly hate it! Parang wala kasing dating, e! Hindi ko alam kung jologs, hindi naman sosyal. Hate ko lalo kapag ang pronunciation ay Dyanis (mabilis) hindi Dya-nis! Tuloy pinilipit kong i-change ung spelling from Janice to Janis!

– Lagi na lang akong may kapangalan. Noong bago ako sa 1st company na nag-work ako, in-anticipate ng TM ko ang aking pagdating, thinking na ako ung lifetime crush niya from UST. E kapangalan at kaapelyido ko pa. Feeling ko na-disappoint nung ako ung makita instead na ung crush niya. Asssaaarrr!!!

– Tapos pag kukuha ako ng NBI, never, as in never akong nag-attempt kumuha ng clearance na hindi ako bumalik for verification! D-U-H! Mukha ba akong wanted?! Addict, baka pa! Echos!

– Kahit anong klaseng pirma, hay, sabog talga! Para bang walang k ang letter J para gawing lehitimong signature! Bakit kasi hindi sa letter A, M , K or R nag-start ang name ko!?

– Sa tinagal tagal kong nagbabasa ng mga romance novels, 3 beses ko pa lang na-encounter ang name ko. And take note, dakilang KONTRABIDA ang drama — in short — MALDITA, MANG-AAGAW at MAPANG-API ! May isang instance pa na nagamit ang name ko sa isang novel kung saan Aling Janice ang katabi ng bida sa jeep na may B.O.! Ang saklap naman ng kapalaran!  Gayong sa totoong buhay ay BIDA MATERIAL NAMAN ANG LOLA NINYO !!! Kaya nunca, noong sang beses na makita kong Janis ang name ng pangalan ng bidang babae, mega-grab na ako ng copy! Aba, once in a blue moon ang mga ganitong pangyayari!

– Saka sa movies, D-U-H, malabo ba talgang ma-associate sa “sweet” ang pangalang Janice para gawing bida! Haaay! Pasaway ang buhay!

– Tapos ang dali pang hanapan ng pang-inis ang Janice, like “Janice Nakakainis, amoy-patis, amoy-panis! Asawa ng pulis!” Nakakaiyak naman! 😦

 Sabi ni Ken, marami daw paraan para mapalitan ang name. May legal na paraan daw at puwede akong magpa-binyag ulit! Or puwede ko din daw siyang pakasalan TODAY para mabago ang name ko! Say ko naman, ung Janice ang gusto kong palitan, hindi ung last name ko! Ayun, kutos ang inabot sakin kahit 6’2” ang height niya! Kiber!

Hay, kayo love ninyo ba ung name ninyo?