Small things that could knock you down!

Mga simpleng bagay na nakakainis :

May mga mumunting bagay na nakakapagpa-high blood sa ‘tin. In my case, minsan iniiyakan ko pa! Ito ang ilan sa mahaba-haba kong listahan…

– sa tuwing magbabalot ako ng set of books, kailangan maski isa, may kailangang magkaroon ng buhok sa plastic cover na kinatatamaran kong tanggalin. Madalas mangyari ito kahit anong walis ang gawin ko sa floor.  Like na like ko pa namang mag-cover ng books nang nakasalampak sa floor.

– bakit ba kahit anong sinop sa gamit, mawawala at mawawala isa man lang sa mga takip ng ballpens mo. Eh nabubuwisit pa naman ako pag wala ng takip ung pen, gusto ko na lang itapon.

– sa tuwing may ibibigay sa’kin na number na nakasulat sa kapirasong papel or tissue at iipit ko sa isa sa mga books or notebooks ko, hindi ko na mahanap kung saang page ko inipit.

– lagi akong may dala-dalang payong sa bag, say it again, as in araw araw, pero sa tuwing magpapalit ako ng bag at makakalimutan kong dalhin ang payong,  saka naman uulan.

– kapag nahuhumaling ako sa isang song, inaabangan ko talaga sa radio, tapos dahil nainip ka nang kahihintay sa station na tinutukan mo, try mo hanapin sa iba. Tapos pag ibinalik mo sa radio station na tinutukan mo earlier, nasa bridge na. Kainis!

– minsan may mga bagay na hindi mo pinapansin or hindi mo pinagkakaabalahang itago, tapos kapag kailangan mo na, saka hindi mo makita. Tapos pag hindi mo na kailangan, saka naman magpapakita.

– mga babaing may long hair na ayaw hawakan ang kanilang hair habang sakay ng jeep at katabi mo. Kulang na lang ipalunok sa’yo ang kanilang buhok! D-U-H!

– mga taong nakasakay sa elevator na laging nakadikit sa control panel ng elevator na hindi mo mapindot ung floor number na destination mo,  tapos pag nakisuyo ka ng floor number, iismiran ka at ang sama ng loob!! Haller! Tapos malalaman mo sila ung huling lalabas ng elevator!! Nak ng&*%$#!

 

—————————————————-

Sabi ko nga, ilan lang to sa mahaba-haba list…on top of my head.

2 thoughts on “Small things that could knock you down!

  1. Catey says:

    Hahahaha!! Am I looking at myself at the mirror here?!! LOL It’s funny when I read something like this. Para akong nadeja vu! I am exactly like that sis…

    Inis na inis ako pag may nasabit na buhok o balahibo ng carpet sa plastic. My husband called me a obssesive compulsive freak! LOL

    Welcome to the club!!

  2. janisluvj says:

    Mismo, Cate! Naku, sangkaterba pa nga ang nasa list ko, update ko ulit pag may time. Hay, meron nako copy ng Dream Catcher, saan na ung mga susunod na issue?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s