About the New 7 Wonders of Nature

kabayan, kakosa, ka-chokaran, ka-friendster, kamag-anak, ka-chikahan, katabi, ka-klase, kaanib sa ano mang puwersa at organisasyon, ka-sis at ka-brod, VOTE NA KAYO, pls!

3 ang entries ng Pinas para sa New 7 Wonders of Nature. Make them ur 1st,2nd adn 3rd votes – Tubbataha Reef, Chocolate Hills and Puerto Princessa Subterranean River National Park. Natalo na ung Banaue Rice Terraces natin sa nakaraang 7 Wonders of the World, kailangang makuha natin to! Mas ok kung pasok ung tatlo di ba! Pls, to all Pinoys globally, pls vote na din kayo! Kung nag-spend tayo sa panonood sa youtube ng kung anu-ano, konting effort lang para sa Pinas. As in, max na ung 5 minutes sa pag-vote! Hay, ang ganda ganda ng Pilipinas, kailangang malaman yan ng buong mundo!

Pls, pls… nung last check ko, pang-7 ung Tubbataha Reef. Pa-akyatin pa natin! Tapos iakyat din natin ung Puerto Princessa Subterranean River.

1. http://www.new7wonders.com/nature/en/nominees/asia/c/TubbatahaReefReef/

 2. http://www.new7wonders.com/nature/en/nominees/asia/c/PuertoPrincesa/

3. http://www.new7wonders.com/nature/en/nominees/asia/c/ChocolateHills/
 

Eto ung live Ranking:

http://www.new7wonders.com/nature/en/liveranking/

 

More pics :

 http://philippines-archipelago.com/author/visited/palawan.html

http://www.divegallery.com/soft_coral_&_diver.htm

T.I.R.E.D

T – otally

I – rritating,

R – estless,

E –ndless,

D – ay-to-day routine!

 

 

I am so &*%#  tired! Ewan ba, parang gusto ko laging matulog na lang nang matulog. I think the contant abuse of my body the past weeks had already taken it’s toll on me. Sobra! GUSTO KONG MATULOG! AYOKO MUNANG MAGPUYAT!

Kaso lang, malapit na ulit ung pasukan, kelangan na namn ng pang-tuition ng kapatid ko at pambili ng school supplies ng mga pamangkins ko!

 

 

Hay life parang buhay! Kaya tuloy wala nang time para sa lovelife…Buti na lang mabait ang ever understanding kong si Ken!

Small things that could knock you down!

Mga simpleng bagay na nakakainis :

May mga mumunting bagay na nakakapagpa-high blood sa ‘tin. In my case, minsan iniiyakan ko pa! Ito ang ilan sa mahaba-haba kong listahan…

– sa tuwing magbabalot ako ng set of books, kailangan maski isa, may kailangang magkaroon ng buhok sa plastic cover na kinatatamaran kong tanggalin. Madalas mangyari ito kahit anong walis ang gawin ko sa floor.  Like na like ko pa namang mag-cover ng books nang nakasalampak sa floor.

– bakit ba kahit anong sinop sa gamit, mawawala at mawawala isa man lang sa mga takip ng ballpens mo. Eh nabubuwisit pa naman ako pag wala ng takip ung pen, gusto ko na lang itapon.

– sa tuwing may ibibigay sa’kin na number na nakasulat sa kapirasong papel or tissue at iipit ko sa isa sa mga books or notebooks ko, hindi ko na mahanap kung saang page ko inipit.

– lagi akong may dala-dalang payong sa bag, say it again, as in araw araw, pero sa tuwing magpapalit ako ng bag at makakalimutan kong dalhin ang payong,  saka naman uulan.

– kapag nahuhumaling ako sa isang song, inaabangan ko talaga sa radio, tapos dahil nainip ka nang kahihintay sa station na tinutukan mo, try mo hanapin sa iba. Tapos pag ibinalik mo sa radio station na tinutukan mo earlier, nasa bridge na. Kainis!

– minsan may mga bagay na hindi mo pinapansin or hindi mo pinagkakaabalahang itago, tapos kapag kailangan mo na, saka hindi mo makita. Tapos pag hindi mo na kailangan, saka naman magpapakita.

– mga babaing may long hair na ayaw hawakan ang kanilang hair habang sakay ng jeep at katabi mo. Kulang na lang ipalunok sa’yo ang kanilang buhok! D-U-H!

– mga taong nakasakay sa elevator na laging nakadikit sa control panel ng elevator na hindi mo mapindot ung floor number na destination mo,  tapos pag nakisuyo ka ng floor number, iismiran ka at ang sama ng loob!! Haller! Tapos malalaman mo sila ung huling lalabas ng elevator!! Nak ng&*%$#!

 

—————————————————-

Sabi ko nga, ilan lang to sa mahaba-haba list…on top of my head.

Subject : Janina

(After ERAP jokes, si janina naman ang ginawan ng jokes.)
In a Ms World contest, a judge asked 3 finalists to name a human organ starting with letter “L.
Ms USA : The Lungs, without each we cannot breathe.

Ms UK : The Liver, without which we cannot metabolize fats and detoxify  the human body.

Ma PHIL Janina San Miguel : (Laughing confidently) Of course, who could ever forget the Lbow, without which we cannot spread our wings and fly, butterfly.