Reactiones Muchos…

“JANINA SAN MIGUEL”

Janina who? Siya po ung nanalong 2008 Bb. Pilipinas World. Honestly, hindi ko po napanood ung coronation night. But with youtube nowadays, how could you miss every single detail about the much-talked about “hilarious” Q&A portion. Watch ninyo na lang:

 “They was the one…” They and was? Verb tense and subject and verb agreement, anyone?

“My pamily was…eto…wait…” Pamily? Ano yun?

“This was really my perst pageant ever…” Errr… “That was” ba dapat o “this is”? Saka ano ung perst?

“I came from one of the tof ten…” I have no idea what she’s talking about here? Peki-enlighten naman ako…

“important persons” Hmmm, lemme see, siguro nga marami silang importante sa kaniya kaya “persons”.

Kaya kinabukasan nagulat ako dahil nagising ako sa interview kay Ruffa Gutierrez sa TV Patrol regarding her reaction. Eh, graveyard shift ako, kahit hindi pa oras ng gising ko, na-curious ako.

Ang reaction ko naman ay ito:

I’ve nothing against her. I would never say na Melanie Marquez Jr siya, Melanie Marquez kasi, bali-baligtarin man natin ang mundo, Miss International yan. In fairness kay Ruffa, I think kahit medyo ni-lait niya nang “konti” e may kabig sa dulo. “Mag-training siya, speech lesson, etc..” At least hindi lang nanlait, nagbigay ng advice. Meaning, gusto niyang tumulong. Para sa akin, wag ipilit kung hindi kaya. Mas naging kahiya-hiya lang ang dating sakin nung nangyari kasi, one, Mass Comm stud daw si Janina di ba? Pangalawa, totoo, marami ngang hindi naman super fluent sa English na sumali way before Janina, but I guess, this is, so far, the worst (pardone, Janina!). Pangatlo, mukhang mas inaral niya ang pag-project — sa pagrampa, sa pagngiti, sa pagpapa-charming, lalong lalo na sa pag-iyak! Mukhang nakaligtaang i-polish ang communication skills niya. Pero tingin ko wala siyang kasalanan kung naging katawa-tawa siya kasi that’s her. Eh, yun siya kaya kailangang tanggapin natin siya as “siya”. Anyway, hindi naman siya judge nung gabing ‘yun di ba?! So for me, meron pang higit na mas katawa-tawa kaysa sa kaniya because the crown was given to her amidst all consternations…

Seven months to go pa naman before the Ms World pagent kaya I think, kakayanin ni Janina yan! Ang dami na ngang call center at speech learning centers sa bansa, kung ako sa kaniya, try ko mag-enrol. Who knows, siya ang maging kauna-unahang Miss World from the Philippines di ba. Pero kung sakaling before October eh hindi mahasa si Janina, magdala na lang talaga siya ng interpreter. Huwag nang ipilit kung hindi talaga kaya. Mano namang mag-Tagalog siya sa pagent?! Eh bakit nga ang mga Latinas, ung mga favorites like Ms Mexico, Venezuela, Puerto Rico, Brazil, etc… kahit puro “porque” lang ang naintindihan ko sa sagot e nagpapanalo naman sa mga beauty pageants!

MAGPAKATOTOO KA NA LANG SISTER!!!!

———————————————————————————————

“RUFFA VS LANI : ANABELLE RAMA VS LOLIT SOLIS”

Aware ba ang lahat dito? Hehehe. basta si Anabelle Rama, feel na feel kong panoorin, hehehe! Entertainment at it’s finest, to the fullest, to the max!!!

Sabi ni Ruffa :
“My pouty perfect lips…”
“Naku naman that was 25 years ago..let’s all move on!”
“I’m such a big damulag, how can you not see me?”
“Lani, can you please text me…”


Famous lines ni Anabelle Rama :
“Malaki daw ang b&$%# ni Bong!”
“Yang ang napapala ni Ruffa sa pakikipagplastikan!”
“Tama na Dong, kumain ka na Mario..”

Comment ko : NO COMMENT! Tatawa na lang ako nang tatawa!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s