Kuwentong Dyipni

Papasok na ako ng office kagabi. Mga 9:45 Pm na yon. Sumakay ako ng jeep papuntang Cubao. Tapos noong nasa bandang IPI na ‘yong jeep at papaliko ng E Rod Ave, may sumakay na babae. She was a bit crippled and was holding a rod. Sabi niya pa pagka-akyat niya sa jeep sa mag-inang nakaupo sa katapat kong dulo,  “Pausod nga!” in a very rude way. Nakaupo ako sa dulo, umupo siya sa tapat ko.

 Habang umaandar ang jeep at nasa bandang Green Meadows na kami, bulong siya nang bulong. Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya and ano nga bang paki ko kung may sinasabi nga siya. Tapos bigla kong kinusot ang mga mata ko, kasi nga feeling ko may factory ako ng muta sa mata dahil sobra akong mutain. Aba sukat ba namang mag-litanya ang weird na babae:

“Akala mo kung sinong maganda. Kung makapintas ng dungis ng iba, sobra! Eh hindi ka naman kagandahan. Hindi nga ako nagagandahan sa iyo, e. Ang kapal ng mukha. Bago ka nga mamansin ng dungis ng iba, tumingin ka muna sa salamin at linisin ang sarili mong dungis. Akala ko kung sinong maganda to. Hindi ka naman kagandahan. Hindi nga ako nagagandahan sa iyo! Ang kapal! ”

 Deadma talaga ako throughout kahit ang sama sama na ng tingin niya sa akin, Malay ko ba, ngi hindi ko nga siya tinitingnan. The nerve!

Tapos bandang Monark, pumara siya at bumaba. Hindi man lang nagbayad ng fare. Akala ko nga papaluin ako ng rod. Hello?! Inano ko kaya siya, ngi hindi ko nga siya tinitingnan. Gusto ko pa ngang sabihin na may special spot sa puso ko ang mga handicapped at special people.

 Nang makaba siya, sabi ng babaeng katabi ko na bumaba rin sa Eastwood na gaya ko, “Sino ba ang kaaway non?” Hay, bothered ang katabi kong girl. Sabi ko “Hindi ko nga pinapansin, e. Baka may topak. Pag pinatulan, mas may sayad ang papatol!”

 Anak ng…bakit kaya siya nagalit sa ‘kin, e wala naman akong ginawa at sinabi sa kaniya?!

W-E-I-R-D!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s