Adios, Amore

Foreword :

This is for my guy friend, Quincy. I know magiging masaya ka rin, someday…

————

I never believed in love until I met Nicole. Nicole wasn’t a total headturner, in fact, she’s not the usual babe who would stir a second glance from any guy. Her face so common and her presence not powerful. I couldn’t remember when I began loving her, really, I just woke up one day knowing that I love her.

“Musta n nga pla c Nicole…” text ko to kay *Dianne, bestfriend ni Nicole. “Did she change number? Tryin to call her since y’day, cannot be reached, e! Saw each other kasi sa Starbucks Cubao last week.”
“Nope, she’s using same number. Nasa Hongkong lang siya. Honeymoon kc.” Dianne’s text to me.
“Honeymoon?!”
“Di mo ba alam, kinasal na siya last Sunday.”
“Whaaaaaaaaaaaatttttttttttttt?!”

Nagising ako isang araw na miss na miss ko si Nicole. Gusto ko siyang makita. Four years. Four years kong tinikis ang sarili ko. Tiniis kong wag siyang i-text kahit alam ko’ng number niya. Tiniis kong wag siyang i-invite sa friendster. Four years kong pinilit na alisin siya sa sistema ko. Dapat lang naman. Sino ba naman kasi si Nicole sa buhay ko? Ni hindi ko nga siya ex! Pero…Four years ko na rin palang niloko ang sarili ko.

One day, hindi ako nakatiis. Hinanap ko siya sa friendster. Primary photo niya pa lang, pamatay na! Munitk na akong mahulog sa upuan ko. Exaggerated na kung exaggerated pero, talagang nagulat ako nang makita ko siya ulit. Wala namang nagbago sa kaniya. Nagulat lang ako dahil nakaramdam ako nang sobrang kaba, sobra sobrang emosyon nang makita ko siya ulit. Four years. Four long and hellis years. Sa sobrang hindi ko nakayanan ang nag-uumapaw na emotions sa puso ko, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Siguro tinatanong ninyo kung sino si Nicole. Si Nicole ay dati kong officemate. Isa siya sa mga babaeng hindi ko nakayanang lapitan. Actually, madali lang sa akin dati ang manligaw, as in, pag type ko, type ko. Konting pa-cute lang. Konting pa-“hi” lang, nagiging gf ko na. Pero si Nicole, nung isang beses na tinangka kong magpa-cute, sumemplang kaagad! Mataray kasi si Nicole. Hindi pala, super sweet pala siya. Oo, sweet, pero sa mga friends niya lang. Ang hindi ko maintindihan eh kung bakit parang naiinis isya sa akin. NUng minsan kasing nakasabay ko siya sa elevator, nag-hi ako, deadma lang siya. Samantalang ‘yong ibang girls, magpapa-cute na at kakausapin ako. Mayabang na kung mayabang, pero hindi ko talaga alam kung anong approach ang gagamitin ko sa kaniya. Hindi ko talaga siya malapitan. Sobrang ilag. Sobrang taray. Nainis tuloy ako sa kaniya at sa sarili ko. Nainis ako sa kaniya dahil pakiramdam ko, sinsadya niyang saktan ako at sabi nga mga bading “Hindi ka naman kagandahan no!” Pero mas nainis ako sa sarili ko, dahil sobra akong natorpe. Siguro nga sobra akong natakot na baka ma-basted pag nanligaw sa kaniya. Imagine-in mo, siya lang ang niligawan ko sa buong buhay ko, tapos babastedin ako! HIndi ko kakayanin yun noh!

So ang ginawa ko, nanligaw ako ng iba. Bakit, nag-iisa lang ba siyang babae sa mundo? Bakit nga naman ako magtiya-tiyaga if I have so much appeal to get other women to like me? Praktikal lang naman ako. Kung ayaw niya sa akin, e, di lalong ayoko sa kaniya! Nanligaw ako ng ibang babae sa office, ‘yong magaganda, ‘yong mga tipong pang-model, ‘yong mga tipong pang-display. Dahil naging busy ako womanizing, hindi ko napansin na lalo siyang lumayo — hanggang sa nag-resign na lang siya.

Sa tuwing napapadaan ako sa cubicle niya at walang nakaupo doon — wala ‘yong mga matang parang laging nakairap pag nakatingin sa akin, wala yong mga kilay na laging nakataas pag nagsasalita ako — nakakramdam ako ng sobrang lungkot. Longing. Desperation. Regret. Lalo lang akong naiinis sa sarili ko dahil masyado akong naging duwag. Hindi ko pinaglaban ‘yong nararamdaman ko para sa kaniya. When she left, feeling ko she’s taken a vital part of me with her. So ang giinawa ko, bumawi ako sa ibang babae. 3 girlfriends sabay sabay. Kailangan mabawi ko kung ano ‘yong nawala nung nawala siya sa buhay ko. Pero I ended up breaking hearts and having my heart broken many times as well.

Pero tinikis ko pa din ‘yong pain. I continued living na parang walang Nicole sa buhay ko. Technically, hindi naman siya talaga naging part ng buhay ko. Dahil hindi ko nga siya naging ex. Until last month. I tried getting in touch with former officemates. Basta. I sent PM’s in friendster, text sone of them, kunwari nakikibalita. Pero ang bottomline, gusto ko lang maging updated sa buhay ni Nicole. This time hindi ko na talaga pakakawalan si Nicole. And yes, liligawan ko na siya. Yes, liligawan ko na siya kahit mabasted ako! Bahala na si Batman. Dahil pag wala akong ginawa, mababaliw na ako! Pero wala ni isa man sa kanila nagbanggit anything tungkol kay Nicole. Kahit si Dianne na bestfriend niya. Kunsabagay, wala kasing nakakaalam na patay na patay pala ako kay Nicole.

And dahil magpapasko naman, nag-send na rin ako ng PM kay Nicole, eto ‘yong message ko sa kaniya.
“Hi! Still remember me? La lang, greet lang kita ng Merry Christmas! getting in touch kasi with former colleagues pag uwi ko ng Pinas!”

After a week, hindi siya nag-reply. Nainis ako kaya naisip ko, gaya ng mga babae, magsa-shopping na lang ako. In-invite ko si Janis na gumala sa Cubao, date na din naming magkaibigan. Kaso lang hindi puwede si Janis mag-stay kaya 4pm, umalis na siya. May date din kasi siya nun (hindi ko alam na doctors na pala ang mga prospects ni Janis, nag-give up na ba sa call center Team Lead?! – hehehe). Going back to my story, tumambay ako sa Starbucks Cubao after naming mag-ikot sa Gateway Mall and after magpabili ng kung anu-ano si Janis sa Rustans).

Akala ko nga nananaginip lang ako. Anak ng…@#! Nagha-halucinate na ata ako. Si Nicole ba ‘yong nasa kabilang table? Lumapit ako para makasiguro. Wala akong dapat aksayahin na oras. Nag-hi ako, ngumiti siya sa akin. Wow! Ganito pala feeling kapag nginingitian ka ng taong mahal mo. Napansin ko na paubos na pala yong drinks niya at habang nakikipag-ngitian ako sa kaniya, nag-ring ‘yong cellphone niya. Nag-excuse siya tapos biglang tumayo. Tinititigan ko siya habang nagsasalita at kinakausap ang sino mang kausap niya sa cellphone. Nakita kong ngumiti siya. Tumawa. Sumimangot. Pero kahit ano pa ang facial expression niya, maganda pa rin siya sa paningin ko. Pero ang hindi ko nagustuhan ay yung sinabi niya bago nag-goodbye, “I love you, too!” Ni hindi ako nakapag-react at bigla na lang siyang tumayo pagkatapos mag-good bye sa akin.

Gano’n lang ‘yon?

Kaya kinabukasan, nag-text talaga ako kay Dianne, dahil alam kong siya ang closest friend ni Nicole.

“Musta n nga pla c Nicole…” text ko to kay Dianne, bestfriend ni Nicole. “Did she change number? Tryin to call her since y’day, cannot be reached, e! Saw each other kasi sa Starbucks Cubao last week.”
“Nope, she’s using same number. Nasa Hongkong lang siya. Honeymoon kc.” Dianne’s text to me.
“Honeymoon?!”
“Di mo ba alam, kinasal na siya last Sunday.”
“Whaaaaaaaaaaaatttttttttttttt?!”
“Yup, yup. Kasi ikaw, hindi mo niligawan, e. Kamukha mo pa naman ‘yong asawa niya. Sabi niya nga sa akin, dahil napagod na siyang maghintay sa’yo, hahanap na lang siya ng iba. Sabi niya nga sana daw may twin brother ka para at least hindi man daw ikaw ang makatuluyan niya, kamukha mo naman!”

Shit! Shit! Shit! Dahil lang hindi ko niligawan, habang buhay na nawala si Nicole sa buhay ko. At kahit kailan, hinding hindi na siya magiging akin…

—————–

*Nicole – hindi tunay na pangalan
*Dianne – screen name lang din

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s