Ang Galing ng Pinoy!

 Haay! Imagine the Philippines competing against tech giants like Japan, Korea and China??? Underdog di ba?

 Kwidaw!  Not at all! Kasi po our very own students from Grace Christian HighSchool in Batangas proved us otherwise! They emerged as Gold Medallists lang naman, as in GOLD MEDALISTS sa World Robotics Olympiad! And this is not pure luck, because we actually bagged the Gold Medal last year in the Open Category, so tayo ang may hawak ng korona or defending champion. Kung maaalala ninyo ‘yong cafeteria serving Kapeng Barako na puro robots, that was last year’s entry from FAITH (First Asia Institute of Technology and Humanities) na nanalo nga ng Gold Medal last year. This year, Grace Christian Highschool came up with Operation Security Guaranteed, a city diorama that has groups of security robots to secure the city from terorists’ attacks. Di ba bongga!? The team was composed of Bryan Lao, Alyssa Sheena Tan and Mark Ian Tan. And simula pa lang yan! Marami pang darating! Ramdam na ramdam ko na maghahakot pa tayo ng awards in the field of science and math in the coming years!

 In lieu with this, another pride from Rizal National High School, won 2nd in the Third Water Rocket Event of the 14th Session of the Asia Pacific Regional Space Agency Forum (APRSAF) held in India last month as well. He is John Lorenzo A. Yambot. Hindi ko masyadong naintindihan pero eto iyong objective ng contest ayon sa DOST : “The objective of the contest is for the competitor to design a rocket that would travel within 56 to 59 meters from the launch point. The team that reaches the zone gets a full 100 points for the fete. Going beyond or below this zone would mean lower points for the contestant. Contestants are provided two-liter PET bottles, tools, nozzles and launchers for the construction of the rocket”. Na-gets ninyo ba?
  
 I think it’s about time na pag-aralan ng gobyerno nang mabuti kung paano hahatiin ang national budget. And truly, education should’ve a big chunk along with health services. Mas maganda rin na mabigyan ng recognition lahat ng athletes natin at magkaroon ng maraming incentives — both ‘yong mga normal and special athletes, not to mention the coaches. Well going back to this robotics chenes, nakaka-inspire talaga ang mga bata which fueled my interest to join the academe as a teacher (Hindi naman po sa sinasabi kong magaling ako but I wanna help kasi the academe). They don’t only bring pride but also hope, hope na one day Filipinos would make it to the top; and honestly, I think we’re getting there!

 Imagine ang sunud-sunod na honor na binibigay ng mga Pinoy — in the academe, sports, music, etc…  May hope pa talaga! Truly this is a country, not just of beautiful people with good values, not just a place worth a thousand praises for it’s beautifull places but also home of great talents!!!
 
 Mabuhay lahat ng Pinoy sa buong bundo! Winners talaga ang lahing kayumanggi!

The Most Embarassing of All Embarassing MOments sa Buhay Ko!

Ang kahihiyan ni Janis at ang kaniyang misadventure!
Bow!
Date : December 26, 2007

Hassle na kasi ang ubo’t sipon ko, so after two days, naisipan kong magpa-check up sa Medical City. Sabi ng nanay ko, sasama daw siya dahil baka i-confine ako, wala daw akong load para mag-text sa bahay. Paano ba naman, halos ibuga ko na at ilabas ang baga ko para lang makalanghap ng hangin at nang lumuwag man lang ang hingahan ko. Anyways, nasa Medical City na kami ni nanay tapos the last time na bumisita ako sa Maxicare was two years ago pa. At ang natatandaan ko, sumakay kami ng elevator papuntang lower ground. So being a know-it-all girl that I am (sometimes), sakay kami ni nanay ng elevator. Tapos umikot kami sa buong LG bago ko naisipang tanungin ‘yong isa sa ulitity personnel. “Eh, Ma’am sa ground floor po ‘yun!” Ah, okay! Siyempre nga naman, sa loob nga ng 24 oras, sandamakmak na ang puwedeng mangyari, two years pa kaya!? “Thank you po!” Siyempre, nagpa-cute naman ako. So may I ride na kami ni mama sa elevator. ‘Pag baba namin sa ground floor, pasok na kami sa pinto. Take note : Maxicare ang HMO namin sa company. So mega getsy ako ng number at umupo na to wait for my turn to be called. Tapos nung tinawag ‘ung number ko sabi ng receptionist “Ma’m, peram po ng card.” So inabot ko naman ung Maxicare kong card, at siyempre mega-proud kasi may “Premium” na tatak ‘yun. Tapos tiningnan ako ng receptionist na parang bigla akong tinubuan ng sungay. “Ma’am, sa kabila po ata kayo. Try nyo po sa next na door”. Mang-aaway na sana ako pero dahil 38.4 degree celcius ang temperature ko, naghunus-dili naman ako dahil baka biglang umakyat sa 42 degrees at kumbulsiyunin ako . So, hinablot ko ‘yong card ko at nag-dramatic entrance ako. Tapos nung nasa labas na ko, binasa ko ung nakasulat sa door : MEDICARD. Anak ng parents naman, oo, nasobrahan ata ako ng intake ng Nafarin at na-high ako. Ano bars? MAXICARE, janis! M-A-X-I-C-A-R-E!!!! With all the grace and poise I could muster, pasok kami sa next door, this time carefully reading the name : MAXICARE. Eto na janis! Totoo na ito! This is it!

Tapos nandun na nga kami sa loob ng, again : MAXICARE! So may I get na naman akes ng number. Tapos tinawag na ang number ko tapos inabot ko ‘yung card ko. Tapos maya maya, may pinapa-pirmahan sa akin, a credit card receipt-like na papel (alam ninyo yung pinapapirmahan pag nag-swipe kayo ng credit card). Sabi ko “Wait, lang Miss, di ba, libre to kasi Maxicare ung HMO namin di ba? Bakit may charge? Saka hindi ko naman binigay ‘ung credit card ko ah!” Tapos, I swear gusto talagang matawa ng receptionist, pero siguro naawa sa ka-inosentihan ko, kaya nag-explain na lang. “Ma’am, ganiyan na po ngayon, sina-swipe na po ‘ung HMO card ninyo tapos pipirmahan nio na lang po ung charge slip pero wala kayong babayaran.” So I smiled and kunwari naaliw sa process. “Wow, ang galing, high tech naman!” I meekly returned to my seat and thanked God na aapat lang kami doon, kasama ang nanay ko. Pinakiramdaman ko ung dalawang ibang tao doon. Deadma naman sila. Nagpakawala ako ng isang napakalalim na buntong hininga and to my surprise, bigla akong umubo. Turn off talaga! Parang sumabog ang buong paikot ng sinturon ni hudas!! Good thing, nakisama ang sipon ko at Missing in action siya that time.

So after merely 2 minutes of consultation with the doctor, binigyan na ako ng prescription. Eh may Mercury Drug naman sa labas ng Medical City but since sa Galeria ako sasakay pauwi dahil ang layo ng tawiran (sa Meralco Foundation pa), sumakay kami papuntang Galeria. Tapos si nanay sumakay na ng bus patungo sa Camp Crame. Nagpunta ako sa Mercury Drug para sana bumili na ng gamot. Kaso lang naisip ko na since nandoon na ako, might as well, mag-replinish na din ako ng mga gamit ko like shampoo, etc… When I was at the cashier, una ko siyempre iniabot ung Suki Card ko ( Mercury Drug loyalty card) tapos hinintay na ma-scan lahat ng pinamili ko. Tumataginting na P 1, 407.50 ang babayran ko (idinamay ko na rin kasi pati groceries sa bahay like coffee, sugar, family soap, etc..). Tapos binulatlat ko ‘ung wallet ko. Tumataginting na P 100 at P20 bills lang laman! Nakakahiya, there were like 5 people pa naman sa likuran ko. Kakahiya talaga. Sabay hirit ko naman sa cashier. “Sorry, wait lang Miss kailangan ko palang mag-withdraw muna.” Pero ang problem, wala namang laman ung ATM ko kasi wini-withdraw ko lahat ng laman non tapos hindi talaga ako naglalagay ng maraming pera sa wallet ko, iniiwan ko sa bahay. Nakakahiya talaga. Sa patung-patong na kahihiyang inabot ko, hindi na ako bumalik sa Mercury Drug. At kahit kailan, hindi na ako bibili doon. Siguro after two years na lang. Hay!

Kakahiya talaga. Ang worst pa sa lahat, ‘yung isa sa nakapila sa likod ko sa drugstore, isa din doon sa nasa loob ng Maxicare! Nakakaloka talaga. Cute pa naman siya tapos nag-smile pa siya sa akin bago ako umalis ng Mercury Drug! Nakakahiya talga. Turn off. Hindi ko alam kung naaliw siya or pinagtatawanan niya ang nag-uumapaw kong ka-eng-engan nung day na ‘yon!

Whew! Whattaday! Umuwi tuloy akong mukhang engot at walang gamot! At habang bumibiyahe pauwi, nagmistulang New Year’s Celebration sa loob ng bus dahil hindi lang dalawa ang umuubo — puwede na kaming bumuo ng choir!!!

Adios, Amore

Foreword :

This is for my guy friend, Quincy. I know magiging masaya ka rin, someday…

————

I never believed in love until I met Nicole. Nicole wasn’t a total headturner, in fact, she’s not the usual babe who would stir a second glance from any guy. Her face so common and her presence not powerful. I couldn’t remember when I began loving her, really, I just woke up one day knowing that I love her.

“Musta n nga pla c Nicole…” text ko to kay *Dianne, bestfriend ni Nicole. “Did she change number? Tryin to call her since y’day, cannot be reached, e! Saw each other kasi sa Starbucks Cubao last week.”
“Nope, she’s using same number. Nasa Hongkong lang siya. Honeymoon kc.” Dianne’s text to me.
“Honeymoon?!”
“Di mo ba alam, kinasal na siya last Sunday.”
“Whaaaaaaaaaaaatttttttttttttt?!”

Nagising ako isang araw na miss na miss ko si Nicole. Gusto ko siyang makita. Four years. Four years kong tinikis ang sarili ko. Tiniis kong wag siyang i-text kahit alam ko’ng number niya. Tiniis kong wag siyang i-invite sa friendster. Four years kong pinilit na alisin siya sa sistema ko. Dapat lang naman. Sino ba naman kasi si Nicole sa buhay ko? Ni hindi ko nga siya ex! Pero…Four years ko na rin palang niloko ang sarili ko.

One day, hindi ako nakatiis. Hinanap ko siya sa friendster. Primary photo niya pa lang, pamatay na! Munitk na akong mahulog sa upuan ko. Exaggerated na kung exaggerated pero, talagang nagulat ako nang makita ko siya ulit. Wala namang nagbago sa kaniya. Nagulat lang ako dahil nakaramdam ako nang sobrang kaba, sobra sobrang emosyon nang makita ko siya ulit. Four years. Four long and hellis years. Sa sobrang hindi ko nakayanan ang nag-uumapaw na emotions sa puso ko, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Siguro tinatanong ninyo kung sino si Nicole. Si Nicole ay dati kong officemate. Isa siya sa mga babaeng hindi ko nakayanang lapitan. Actually, madali lang sa akin dati ang manligaw, as in, pag type ko, type ko. Konting pa-cute lang. Konting pa-“hi” lang, nagiging gf ko na. Pero si Nicole, nung isang beses na tinangka kong magpa-cute, sumemplang kaagad! Mataray kasi si Nicole. Hindi pala, super sweet pala siya. Oo, sweet, pero sa mga friends niya lang. Ang hindi ko maintindihan eh kung bakit parang naiinis isya sa akin. NUng minsan kasing nakasabay ko siya sa elevator, nag-hi ako, deadma lang siya. Samantalang ‘yong ibang girls, magpapa-cute na at kakausapin ako. Mayabang na kung mayabang, pero hindi ko talaga alam kung anong approach ang gagamitin ko sa kaniya. Hindi ko talaga siya malapitan. Sobrang ilag. Sobrang taray. Nainis tuloy ako sa kaniya at sa sarili ko. Nainis ako sa kaniya dahil pakiramdam ko, sinsadya niyang saktan ako at sabi nga mga bading “Hindi ka naman kagandahan no!” Pero mas nainis ako sa sarili ko, dahil sobra akong natorpe. Siguro nga sobra akong natakot na baka ma-basted pag nanligaw sa kaniya. Imagine-in mo, siya lang ang niligawan ko sa buong buhay ko, tapos babastedin ako! HIndi ko kakayanin yun noh!

So ang ginawa ko, nanligaw ako ng iba. Bakit, nag-iisa lang ba siyang babae sa mundo? Bakit nga naman ako magtiya-tiyaga if I have so much appeal to get other women to like me? Praktikal lang naman ako. Kung ayaw niya sa akin, e, di lalong ayoko sa kaniya! Nanligaw ako ng ibang babae sa office, ‘yong magaganda, ‘yong mga tipong pang-model, ‘yong mga tipong pang-display. Dahil naging busy ako womanizing, hindi ko napansin na lalo siyang lumayo — hanggang sa nag-resign na lang siya.

Sa tuwing napapadaan ako sa cubicle niya at walang nakaupo doon — wala ‘yong mga matang parang laging nakairap pag nakatingin sa akin, wala yong mga kilay na laging nakataas pag nagsasalita ako — nakakramdam ako ng sobrang lungkot. Longing. Desperation. Regret. Lalo lang akong naiinis sa sarili ko dahil masyado akong naging duwag. Hindi ko pinaglaban ‘yong nararamdaman ko para sa kaniya. When she left, feeling ko she’s taken a vital part of me with her. So ang giinawa ko, bumawi ako sa ibang babae. 3 girlfriends sabay sabay. Kailangan mabawi ko kung ano ‘yong nawala nung nawala siya sa buhay ko. Pero I ended up breaking hearts and having my heart broken many times as well.

Pero tinikis ko pa din ‘yong pain. I continued living na parang walang Nicole sa buhay ko. Technically, hindi naman siya talaga naging part ng buhay ko. Dahil hindi ko nga siya naging ex. Until last month. I tried getting in touch with former officemates. Basta. I sent PM’s in friendster, text sone of them, kunwari nakikibalita. Pero ang bottomline, gusto ko lang maging updated sa buhay ni Nicole. This time hindi ko na talaga pakakawalan si Nicole. And yes, liligawan ko na siya. Yes, liligawan ko na siya kahit mabasted ako! Bahala na si Batman. Dahil pag wala akong ginawa, mababaliw na ako! Pero wala ni isa man sa kanila nagbanggit anything tungkol kay Nicole. Kahit si Dianne na bestfriend niya. Kunsabagay, wala kasing nakakaalam na patay na patay pala ako kay Nicole.

And dahil magpapasko naman, nag-send na rin ako ng PM kay Nicole, eto ‘yong message ko sa kaniya.
“Hi! Still remember me? La lang, greet lang kita ng Merry Christmas! getting in touch kasi with former colleagues pag uwi ko ng Pinas!”

After a week, hindi siya nag-reply. Nainis ako kaya naisip ko, gaya ng mga babae, magsa-shopping na lang ako. In-invite ko si Janis na gumala sa Cubao, date na din naming magkaibigan. Kaso lang hindi puwede si Janis mag-stay kaya 4pm, umalis na siya. May date din kasi siya nun (hindi ko alam na doctors na pala ang mga prospects ni Janis, nag-give up na ba sa call center Team Lead?! – hehehe). Going back to my story, tumambay ako sa Starbucks Cubao after naming mag-ikot sa Gateway Mall and after magpabili ng kung anu-ano si Janis sa Rustans).

Akala ko nga nananaginip lang ako. Anak ng…@#! Nagha-halucinate na ata ako. Si Nicole ba ‘yong nasa kabilang table? Lumapit ako para makasiguro. Wala akong dapat aksayahin na oras. Nag-hi ako, ngumiti siya sa akin. Wow! Ganito pala feeling kapag nginingitian ka ng taong mahal mo. Napansin ko na paubos na pala yong drinks niya at habang nakikipag-ngitian ako sa kaniya, nag-ring ‘yong cellphone niya. Nag-excuse siya tapos biglang tumayo. Tinititigan ko siya habang nagsasalita at kinakausap ang sino mang kausap niya sa cellphone. Nakita kong ngumiti siya. Tumawa. Sumimangot. Pero kahit ano pa ang facial expression niya, maganda pa rin siya sa paningin ko. Pero ang hindi ko nagustuhan ay yung sinabi niya bago nag-goodbye, “I love you, too!” Ni hindi ako nakapag-react at bigla na lang siyang tumayo pagkatapos mag-good bye sa akin.

Gano’n lang ‘yon?

Kaya kinabukasan, nag-text talaga ako kay Dianne, dahil alam kong siya ang closest friend ni Nicole.

“Musta n nga pla c Nicole…” text ko to kay Dianne, bestfriend ni Nicole. “Did she change number? Tryin to call her since y’day, cannot be reached, e! Saw each other kasi sa Starbucks Cubao last week.”
“Nope, she’s using same number. Nasa Hongkong lang siya. Honeymoon kc.” Dianne’s text to me.
“Honeymoon?!”
“Di mo ba alam, kinasal na siya last Sunday.”
“Whaaaaaaaaaaaatttttttttttttt?!”
“Yup, yup. Kasi ikaw, hindi mo niligawan, e. Kamukha mo pa naman ‘yong asawa niya. Sabi niya nga sa akin, dahil napagod na siyang maghintay sa’yo, hahanap na lang siya ng iba. Sabi niya nga sana daw may twin brother ka para at least hindi man daw ikaw ang makatuluyan niya, kamukha mo naman!”

Shit! Shit! Shit! Dahil lang hindi ko niligawan, habang buhay na nawala si Nicole sa buhay ko. At kahit kailan, hinding hindi na siya magiging akin…

—————–

*Nicole – hindi tunay na pangalan
*Dianne – screen name lang din

Lutong Macau sa Thailand???!!!

Philippines landed on the sixth (6th) place as overall medal standing was tallied in the ongoing (it’s on its last day today) 2007 SEA GAMES. This is despite the fact that we are at 2nd if numbers of medals is to be the basis. What bothers me a lot is the deliberate attempt of the host country, Thailand to put the Philippine Team down, the hardest they can, at all cost! Yes, THAILAND, together with the SEA GAMES official and their government, DID EVERYTHING TO CHEAT FILIPINOS, TO GRAB EVERY OPPORTUNITY OF WINNING GOLD MEDALS AND TRIED ELIMINATING THE PHILIPPINES IN ALL EVENTS AT THE EARLIEST ROUND THEY CAN. YES, IT IS NOT THE LAND OF THE FREE, BUT OF CHEATERS AND LIARS!

That’s why I couldn’t blame our Pinoy boxers when they totally gave up their respective bouts to show protest to how the games were being decided at the said event. The first time a Pinoy boxer receded, Thai spectators were dumbfounded. But when they realized what these Pinoy boxers were doing, when they finally got the message, they threw in a resounding “Boo!”. ANG KAPAL NGA NAMAN NG MGA MUKHA! Well, what would they expect? That our boxers continued to fight, had themselves hurt and while they’re throwing in punches, Thai boxers would earn the points???

And if you must recall, our very own Lito Sisnorio died when he fought against Chachai Sasakul recently due to hemorrage in the brain. Sasakul was knocked out by Manny Pacquiao couple of years back. He wasn’t a boxing superstar at all to be known as a hard puncher, so his death is still a mistery up to this moment.

Last 2005, the King of Thailand accused The Philippines of cheating their delegates as well. Really? We would be more than willing to have all the events viewd by the Olympics committee and I am of no doubt that they would agree that IT WAS CLEAN, OFFICIAL AND CHEAT-FREE! What about the SEA GAMES this year, if it is to be shown in the Olympics committee and throughout the world, what would their reactions be? I think it’d be best because there would be a huge deduction with our silver medals, simply because they would be added to our gold medals!

So to Jewel of Malaysia, in her blog, (http://missjewelz.wordpress.com/2007/12/10/disturbing-news-from-sea-games-2007), where she said that “Mariana was involved in an accident during her duathlon debut yesterday in Chonburi,during the cycle leg. No, not the Filipino duathlete attacking her.. a motorbike somehow found its way into the race route and actually hit her”. Hmm…maybe Mariana was a great contender and had great chance of winning the gold that’s why Thais let a motorbike found its way into the race route to sabotage her pending victory?!

How Thais were able to celebrate their so-called victory despite the whole event being a comical and dirty fiasco is beyond me. If they were brought up not having any conscience at all, I cannot tell.

I hope the King himself can sleep sound at night. I hope all Thais can — knowing that their victory is bogus and only happened at the expense of other countries great athelets!!!

Philippines’ Finest in the (still ongoing) 2007 SEA Games

As of December 12, 2007

GOLD
1. Joey Barba, Mountain Bike (Men’s Downhill)
2. Ryan Arabejo, Swimming (Men’s 200m Back)
3. Miguel Molina, Swimming (Men’s 400m Indiv. Medley)
4. Rene Herrera, Athletics (Men’s 3000m Steeplechase)
5. Arniel Ferrera, Athletics (Men’s Hammer Throw)
6. Benjamin Tolentino Jr. and Jose Rodriguez, Rowing (Men’s Double Sculls)
7. Ryan Mendoza, Triathlon (Men’s Duathlon)
8. Marestella Torres, Athletics (Women’s Long Jump)
9. Emmanuel Reyes and Maira Rosete, Dance Sport (Standard Quickstep)
10. E. Reyes and M. Rosete, Dance Sport, (Standard Tango)
11. Michelle Bruzola, Fencing (Women’s Individual Epee)
12. Emerson Segui, Fencing (Men’s Individual Foil)
13. Antonio Gabica and Marlon Manalo, Billiards and Snooker (Men’s 9-Ball Doubles)
14. Miguel Molina, Swimming (Men’s 200m Indiv. Medley)
15. B. Tolentino, Rowing (Men’s Lightweight Singles Sculls)
16. Rubilen Amit, Billiards (Women’s 9-Ball Pool Singles)
17. Mariane Mariano, Wushu (Women’s Under 60kg)
18. Willy Wang, Wushu (Men’s Nanquan, 3 events combined)
19. Henry Dagmil, Athletics (Men’s Long Jump)
20. Daniel Coakley, Swimming (Men’s 50m Free)
21. Miguel Molina, Swimming (Men’s 200m Breast)
22. Ryan Arabejo, Swimming (Men’s 1500m Free)
23. Victor Espiritu, Track Cycling (Men’s Points Race)
24. Amaya Paz, Archery (Women’s Individual Compound)
25. Julius Felicisimo Nierras Jr., Athletics (Men’s 400m)
26. Armando Bernal, Avelino Victorino Jr., Almario Vizcayno and Wilfredo Vizcayno Jr., Fencing (Men’s Team Epee)
27. Alfie Catalan, Track Cycling (Men’s Individual Pursuit)
28. James Walsh, Swimming (Men’s 200m Butterfly)
29. Miguel Molina, Daniel Coakley, James Walsh and Ryan Arabejo, Swimming (Men’s 4×100 Medley Relay)
30. Jennifer Chan, Amaya Paz and Abbigail Tindugan, Archery (Women’s Compound)
31. Ronato Alcano, Billiards (Men’s 8-Ball Poll Singles)
32. Annie Albania, Boxing (Women’s Fly 50kg)
33. Sheila Mae Perez, Aquatics (Diving, Women’s 3m Springboard)

SILVER
1. Eric Ang, Carag Carlos and Jethro Dionisio, Shooting (Men’s Trap Team)
2. Jaqueline De Guzman, Shooting (Women’s Skeet)
3. Paul Brian Rosario, Patricio Bernardo and Gabriel Tong, Shooting (Men’s Skeet Team)
4. Mary Grace Milgar, Athletics (Women’s 400m Hurdles)
5. Julius Sermona, Athletics (Men’s 500m)
6. Rosie Villarito, Athletics (Women’s Javelin Throw)
7. Eusebio Quinones, Mountain Bike (Men’s Cross Country)
8. Alvin Amposta and Nestor Cordova, Rowing (Men’s Lightweight Double Sculls)
9. Marcus Valda, Wrestling (Men’s Freestyle 84kg)
10. Midel Dique, Athletics (Men’s 800m)
11. Harlene Orendain, Fencing (Women’s Individual Epee)
12. Gemma Silverio, Wrestling (Women’s Freestyle 59kg)
13. Alven Aragon, Wrestling (Men’s Freestyle 74kg)
14. Jimmy Angana , Wrestling (Men’s Freestyle 66kg)
15. Nida Cordova and Midelle Gabiligno, Rowing (Women’s Double Sculls)
16. George Vilog, Triathlon (Men’s Event)
17. Alessandra Araullo, Triathon (Women’s Event)
18. Reyes and Rosete, Dance Sport (Standard Viennese Waltz)
19. Reyes and Rosete, Dance Sport (Standard Slow Foxtrot)
20. John Erolle Melencio and Dearlie Gerodias, Dance Sport (Latin American Jive)
21. J. Melencio and D. Gerodias, Dance Sport (Latin American Paso Doble)
22. Walbert Mendoza, Fencing (Men’s Individual Sabre)
23. James Walsh, Swimming (Men’s 100m Butterfly)
24. Miguel Molina, Daniel Coakley, Kendrick Uy and James Walsh, Swimming (Men’s 4x100m Freestyle Relay)
25. Julius Sermona, Athletics (Men’s 1000m)
26. Mary Jane Estmar, Wushu (Women’s Under 52 kg)
27. Benjie Rivera, Wushu (Men’s Under 56 kg)
28. Mark Denver Atienza, Rolando Canlas Jr., Ramil Endriano and Emerson Segui, Fencing (Men’s Team Foil)
29. Mary Rose Alfonso, Joanna Franquelli, Ma. Wendelyn Mendoza, Lenita Otadoy, Fencing (Women’s Team Sabre)
30. Earl Benjamin Yap, Archery (Men’s Individual Compound)
31. Danilo Fresnido, Athletics (Men’s Javelin Throw)
32. Deborah Samson, Athletics (Women’s Pole Vault)
33. Mia Allyson Howell, Michelle Mancenido, Veena Tessa Nuestro and Ma. Dinah Remolacio, Fencing (Women’s Team Foil)
34. Water Polo (Men)
35. Renante Briones, Weightlifting (Men’s 94 kg)
36. Edward Daliva, Walbert Mendoza, Gian Carlo Nocom and Edmon Velez, Fencing (Men’s Team Sabre)
37. Nancy Quillotes, Judo (Women’s -48kg)
38. Rugby (Men)
39. Erica Totten, Swimming (Women’s 200m Butterfly)
40. Alice Kate Aparri, Boxing (Women’s Light Fly 48kg)
41. Annalisa Cruz, Boxing (Women’s Light Bantam 52kg)
42. Jouveliet Chilem, Boxing (Women’s Bantam 54kg)
43. Ronijen Sofla, Boxing (Women’s Feather 57kg)
44. Mitchel Martinez, Boxing (Women’s Light 60kg)
45. Noel Espinosa, Karate (Individual Men’s Kata)
46. Nerlyn Huinda, Pencak Silat (Women’s Under 60kg)
47. Men’s Team, Traditional Boat Race (10 Crews 1000m)
48. Nancy Bercasio and Sonia Bruce, Lawn Bowls (Women’s Pairs)
49. Alexander Briones, Taekwondo (Men’s Under 84kg)
50. Diego Lorenzo, Equestrian (Individual Jumping)
51. Antoinette Rivero, Taekwondo (Women’s Under 67kg)

BRONZE
1. Emerito Concepcion, Shooting (Men’s 10m Air Rifle)
2. Men’s Hoop, Sepak Takraw
3. Women’s Hoop, Sepak Takraw
4. Eliezer Sunang, Athletics (Men’s Shot Put)
5. Jobert Delicano, Athletics (Men’s Triple Jump)
6. Nino Surban, Mountain Bike (Men’s Cross Country)
7. Marites Bitbit, Mountain Bike (Women’s Cross Country)
8. Maribel Jambora, Wrestling (Women’s Freestyle 48kg)
9. Ma. Cristina Vergara, Wrestling (Women’s Freestyle 51kg)
10. Clotheide Nillas and Johnalyn Pedrita, Rowing (Women’s Lightweight Double Sculls)
11. Frederick Taino and Cecil Mamiit, Tennis (Men’s Team)
12. Denise Dy and Diane Matias, Tennis (Women’s Team)
13. August Benedicto, Triathlon (Men’s Duathlon)
14. Analiza Dysangco, Triathlon (Women’s Duathlon)
15. Reyes and Rosete, Dance Sport (Standard Waltz)
16. Reynato Rener Mercado and Judith Anne Melencio, Dance Sport (Latin American Cha Cha Cha)
17. Rolando Canlas Jr., Fencing (Men’s Individual Foil)
18. Joanna Franquelli, Fencing (Women’s Individual Sabre)
19. Arnold Villarube, Athletics (Men’s Decathlon)
20. Junrey Bano, Julius Felicisimo Nierras Jr., Rodrigo Tanuan Jr. and Ernie Candelario, Athletics (Men’s 4×400 Relay)
21. Kendrick Uy, Swimming (Men’s 100m Free)
22. Jaclyn Pangilinan, Swimming (Women’s 100m Breast)
23. Nicole Santiago, Jaclyn Pangilinan, Georgina Gandionco and Erica Totten, Swimming (Women’s 4x100m Freestyle Relay)
24. Eduardo Buenavista, Athletics (Men’s Marathon)
25. Jho Ann Banayag, Athletics (Women’s Marathon)
26. Jose Rodriguez, Rowing (Men’s Single Sculls)
27. Arland Macasieb, Triathlon (Men)
28. Maria Meliza Lucas, Triathlon (Women)
29. Hidilyn Diaz, Weightlifting (Women’s 58 kg)
30. Margarito Angana, Wrestling (Men’s Freestyle 55 kg)
31. Daniel Pakantac, Wushu (Men’s Taijiquan-2 events)
32. Janice Hung, Wushu (Women’s Taijiquan-2 events)
33. Bill Vicente Vicera, Boxing (Men’s Pin 45kg)
34. M. Bitbit, Road Cycling (Women’s Individual Time Trial)
35. J. Melencio and D. Gerodias, Dance Sport (Latin American Samba)
36. Claro Roland, Muay Thai (Flyweight 51 kg)
37. Rene Catalan, Wushu (Men’s Under 52 kg)
38. Michelle Mancenido and Veena Tessa Nuestro (tie), Fencing (Women’s Individual Foil)
39. Edmon Velez, Fencing (Men’s Individual Sabre)
40. Ryan Arabejo, Swimming (Men’s 400m Freestyle)
41. Reynato Rener Mercado and Judith Anne Melencio, Dance Sport (Latin American Cha Cha Cha)
42. Robert Andrew Garcia, Squash (Men’s Singles)
43. Roque Mana-ay Jr., Wrestling (Men’s Freestyle 60kg)
44. Michelle Bruzola, Ma. del Carmen Galvez, Mary Catherine Kong and Harlene Orendain, Fencing (Women’s Team Epee)
45. Romnick Ghie Pabalate, Muay Thai (Light Fly 48 kg)
46. Jul-Omar Abdulhakim, Pencak Silat (Men’s Under 50kg)
47. Emraida Asmad, Pencak Silat (Women’s Under 55kg)
48. Laruan Zaidi, Muay Thai (Feather 57kg)
49. Emerson Obiena, Athletics (Men’s Pole Vault)
50. Jan Paul Morales, Cycling Track (Men’s 1km Time Trial)
51. Jaclyn Pangilinan, Swimming (Women’s 200m Breast)
52. Erica Totten, Swimming (Women’s 200m Free)
53. Daniel Parantac, Wushu (Men’s Taijiquan-2 events)
54. Mercedita Manipol, Athletics (Women’s 10,000m)
55. Narcisa Atienza, Athletics (Women’s Heptathlon)
56. Albert Pabila, Boxing (Light Fly 48kg)
57. Olod Jay, Muay Thai (Light 60 kg)
58. Harold Gregorio Jay, Muay Thai (Men’s Welter 67kg)
60. Dulce Purugganan, Bodybuilding (Women’s Fitness)
61. Marvin Cordero, Mark Javier and Ian Wayne Larsen, Archery (Men’s Recurve)
62. Helen Dawa. Judo (Women -52 kg Half-Light)
63. Estiegay, Liwanen, Judo (Women -57 kg Light)
64. Mae Soriano, Karate (Women’s Under 53kg)
65. Ramon Hector Franco, Karate (Men’s Under 55kg)
66. Rolando Lagman, Karate (Men’s Under 65kg)
67. Jul-Omar Abdulhakim, Pencak Silat (Men’s Under 50 kg)
68. Emraida Asmad, Pencak Silat (Women’s Under 55kg)
69. Women’s Team, Sepak Takraw (Regu)
70. Juan Ernesto Mendoza III, Taekwondo (Men’s Under 78kg)
71. Women’s Team, Traditional Boat Race (10 Crews 1000m)
72. Richard Pep Agosto, Weightlifting (Men’s 105 kg)
73. Rosita Bradborn, Lawn Bowls (Women’s Singles)
74. Angelo Morales, Emmanuel Portacio and Hommer Mercado, Lawn Bowls (Men’s Triples)
75. Aine Knight, Maila Witheridge and Ronalyn Greenlees, Lawn Bowls (Women’s Triples)
76. Ma. Criselda Roxas, Taekwondo (Women’s Under 72kg)