Lamenting over an innocent soul…

Malapit na ang Pasko, dapat masaya lahat, gusto ko nga sana puro masaya na lang lahat ng nangyayari, lahat ng kuwento, yet hindi ko mapigil ang malungkot sa nangyari sa isang 12-year old innocent girl who commited suicide due to extreme poverty. Sayang talaga! Nakapanghihinayang! Kids her age should be in the playground and enjoying every second that they are kids – free, happy ang walang pinoproblema. For an innocent child to commit suicide, 12 years old at that who’s supposed to be enjoying her childhood playing, nakaka-alarm di ba?

Mariannete Amper was so full of dreams pa naman. And people like her whose awareness with the “real world” is so great, would really do wonders for this country. I’ve no doubt she would be a good citizen, if not a good leader someday. But all these – her passion, her dreams, her desires – were stolen by a tragic, non-sensical death.

 Sana, kung sana may pera siya para ipadala ‘yong sulat niya sa Wish Ko Lang , hindi sana siya na-depress nang ganon! Kung sana, meron man lang isang tao, kahit sino na kapitbahay niya sa Davao ang nag-attempt man lang tulungan siyang maipadala ang sulat, hindi niya maiisip ang bagay na ‘yon. Napaka-simple lang naman ng hinihingi niya – puwede ko nga siyang bilhan ng sapatos at bag, ‘yon lang nga hindi ko kayang bigyan ng hanapbuhay ang parents niya. Eto ‘yong excerpt sa letter niya ,

“Gusto ko po sana magkaroon ng bagong sapatos at bag at hanapbuhay para sa nanay at tatay ko. Wala kasing hanapbuhay ang tatay at nagpa-extra extra lamang ang aking nanay sa paglalaba.Gusto ko na makatapos ako sa pag-aaral at gustong-gusto ko na makabili ng bagong bike”. Naglalakad lang kasi sila papasok sa school at WALANG BAON! At paano nga naman makabubuhay ng pamilya ang P40 na kita araw-araw?! Okay na sana na mahirap sila, tanggap na ng bata yon, ang masakit may mga taong mahirap na nga sila, lalo pang nilulugmok sa hirap.

We’re all to blame with what happened. That includes me. And you.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s