What a Manny Pacquiao can do?

The many facets of Manny Pacquiao (ung iba seryoso, ung iba chorvah lang):

1. He is the ultimate answer to all traffic problems. Naranasan mo na bang baybayin ang kahabaan ng Edsa habang busy si Pacquiao sa pakikipagbakbakan sa ring? Matutuwa ka talaga — walang traffic, walang traffic enforcers, walang sasakyan. Nagulat nga ako last Sunday pag daan ko sa Gateway, usually ‘pag may laban ang La Salle, ang daming taong naka-kulay green na umaaligid doon, pero last Sunday, konti lanmg talga.  Tapos ung papunta sa sakayan ng jeep, feeling ko madaling araw kasi wala talgang commuters, so kahit konti lang ang sasakyang bumibiyahe, hindi mo kailangang makipagsiksikan at makipagbalyahan.

2. He can unite one country. Imagine-in mo nga, everyone’s glued in to his TV set kapag may bout si Pacquaio. Lahat alerto. Lahat tutok na tutok. As in, sobrang humihinto ang mundo sa pag-ikot. Lahat ina-anticipate kung anong round mapatutumba ang kalaban. Kung sana araw araw may laban siya, ano?

3. He is the ultimate crime buster. PNP reported 0% crime rate all over Metro last Sunday. Haha! Pati daw sa ilang cities kung saan mataas ang violence and crime rate outside NCR, tahimik din! Pati mga snatcher, holdaper, rapist, terorista at pusher, nanood yata. Usually, yung talipapa samin nagre-resume ng mga 2 PM (kasi wala nga namang namamalengke ng tanghaling tapat), pero last Sunday, malapit ng mag-3 PM, sarado pa din! And take note, wala ring tambay. Nagsilbing ghost town talaga samin. Pati mga bata batutang naghahabulan sa init ng araw, mukhang mga fans din ni Pacquaio.

4. He is the answer to our financial crisis, bawat Pinoy puwedeng maging milyonaryo. Mamili ka, tataya ka sa  Lotto or pusta ka na lang kay Pacquiao? Pag tumaya ka sa Lotto, you have to pick 6 numbers from 1 – 46 (yata). Eh, hello, ilang number combinations ba ang puwedeng lumabas sa 46 numbers na yun? Samantalang kung kay Pacquiao ka pupusta, simple lang ang mechanics — kapag talo siya, talo ka rin; kapag panalo siya, panalo ka din. Tapos hindi mo pa kailangang bumili ng kahit anong produkto as proof of purchase at maghulog ng entry sa pinakamalapit na supermarket. Panalo talaga!

5. He is a living proof that everyone can be sucessful, famous, and be a superstar. Name a person kung saan ang fan base ay mula sa masa, sa pulitika, sa showbiz at sa elite society ng bansa? Hindi lahat pabor kay Pres. GMA, hindi lahat ng tao gusto si Angel Locsin. Pero lahat ata ng Pinoy nanood at umasang mananalo si Pacquaio! Hindi lahat ng tao nanood ng championship ng PBA. Hindi lahat ng tao, manonood ng concert or ng movie. Pinatunayan niya na  kahit sino ka pa, kaya mong paluhurin ang nagtatayugang mga tala at gawin silang mga tangahanga, este, tagahanga pala!

Ang ganda pa ng timing ng pagkapanalo ni Pacquaio. After halos ipahiya ng Desperate Housewives ang mga Pinoy medical practitioners sa US (siguro sa buong mundo na rin), nanalo naman si Pacquaio. GUSTO KO TULOY SABIHIN DUN SA WRITER NG NASABING SITCOM NA HINDI NAKAKATUWA ANG JOKE NA NAISIP NIYA! GUSTO NIYA BANG MAKATIKIM NG ISANG JAB KAY PACQIAO NANG MAALOG NAMAN ANG UTAK NIYA AT MAGKAROON NG BRIGHT IDEAS  PARA SA SHOW ?!

One thought on “What a Manny Pacquiao can do?

  1. Banget says:

    na-miss ko na blog mo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s