Saan ba nakakabili ng Spark?

This was an email forwarded to me centuries ago, naisipan ko lang i-post dito. Nililinis ko kasi ang mga email accounts ko sa yahoo at gmail.

Ako kasi I’ve always believed in “spark”. Laging may “something” unang kita ko pa lang sa isang guy. Though hindi naman parang love at first sight ‘yong dating pero may “something” na nagsasabi sakin na he’s gonna be someone special.

Pero ‘kaw naniniwala ka ba sa “spark”?

——————————————————

SAN BA NAKAKABILI NG SPARK?
Contributed by
noringai (Edited by blue_kuko)  

San ba nakakabili ng Spark?

Iyan ang tanong sa akin ni Lhen, isang kaibigan. May umaaligid daw kasi sa kanya na matinong lalake, kaya lang, wala siyang maramdamang spark. Kaya nagtatanong siya kung saan nakakabili ng spark.

Hindi ko alam ang sagot. Kung alam ko lang, eh di sana matagal na akong pumila para mamakyaw. Kailangan ko rin ng spark. Maraming-maraming spark.

Ano ba ang spark? Ito iyong kuryente na nararamdaman mo kapag kasama mo ang isang tao. Iyong nanlalambot ang tuhod mo. Iyong parang nauutal ka at ayaw gumana ng motor skills mo. Iyong kahit na anong gawin at sabihin niya, o kahit wala siyang ginagawa o sinasabi, kinikilig ka na. Kung hindi mo naman siya kasama, nangingiti ka kapag naiisip mo siya.

Ang tawag dun… spark. Magic. Kilig. Kuryente.

At iyon din ang hinahanap ko ngayon.

May isang lalaking may gusto sa akin. Mabait siya. May hitsura. Matino. Stable. Mature. May napatunayan na sa buhay. Maalalahanin. May konting sense of humor. At alam ko, aalagaan niya ako.

Siya iyong lalaking iuuwi mo sa nanay mo at alam mong magiging mabuting asawa at tatay ng mga anak mo.

Pero wala akong maramdamang “kilig.” Walang magic.

Lagi kong sinasabi, “He’s a ‘good on paper’ guy, pero walang spark. Kahit kiskisan ko man ng bato… wala talaga!”

Sabi ng mga kaibigan ko, hindi na daw importante ang spark. Hindi daw ito tiket para sa isang masaya at tumatagal na relasyon. Maraming factors ang dapat i-consider, hindi lang spark…

Aanhin mo ang spark kung lagi naman kayong nag-aaway? Aanhin mo ang spark kung hindi naman kayo nagkakasundo sa mga bagay-bagay? Kung hindi naman siya puwedeng mag-commit? Kung alam mo naman na masama siya para sa iyo?

Noong huling usap namin ni Lhen, sabi niya, baka daw bigyan na niya ng chance iyong manliligaw niya, kahit wala siyang maramdamang spark.

Pati tuloy ako, napapaisip na rin… Itutuloy ko ba kahit na walang spark? Magiging masaya kaya kami, kahit na hindi ako kinikilig sa kanya? Importante ba talaga ang “magic” sa isang relasyon?

“Baka naman nasa atin lang ang problema,” dagdag ni Lhen.

Mali nga ba ako kung maghanap man ako ng spark sa isang relasyon? Pang teenager na nga lang ba iyong “nanlalambot ang tuhod” chuva at kapag nasa 20s ka na ay nakakasuka na ang humangad ng kilig?

Siguro nga masyado na akong matanda para maghanap ng lalaking magbibigay sa akin ng “kilig” dahil hindi naman kami mabubusog doon at hindi rin puwedeng pambayad ng tuition ng magiging anak namin ang spark.

But I am also old enough to know what I want in a guy… and having that “kilig” feeling is one of them. At para sa akin, ang pakikipag-relasyon sa isang taong walang spark, ay maitutumbas na rin sa pagse-settle.

At ayokong mag-settle.

Pero di ako nawawalan ng pag-asa. Malay mo ngayon, walang spark. Pero eventually, sa tamang panahon, baka magka-spark na. Kung paano, hindi ko alam…

Meron kayang binebentang spark sa pinakamalapit na Mercury Drug o Mini-Stop? Saan nga ba nakakabili ng spark?


spark?
by dunkinshiek

Monday, March 28, 2005 @ 02:05:54 PM



nakita ko na yan nun ah (libre) pero nawala din agad eh kasi naman ung kinakitaan ko ng spark eh me inii-sparkan na iba (ngeks…lolz) kya ayun, para syang torch na nahipan ng malakas na hangin.
ang hinahanap ko ngaun eh baterry. kse nde ko marinig ung “music”. sabi kse nila me music daw yun (ano ba talaga?). tried different battery pero all i hear is static eh, ewan ko, cguro out of beam or footprint ung antenna.

good luck na lang sa mga naghahanap ng spark and paki post na lang kung san nakakabili pag me nakita kau..hehehe.


Re: bili na lang tayo…
by nescafe_ice13

Monday, March 28, 2005 @ 02:34:18 PM



ng watusi. me spark din naman yun e.
sorry mej jaded na ko, its just that minsan, i believe the spark would come in later. habang nakikilala mo na yung guy. habang narerealize mo na me similar likes/dislikes kayo, same principles. habang nakikita mo ang kanyang stable qualities. habang unti-unti, you tend to see him in a different light. di naman siguro yun instant spark. mas kilig for me yung unti-unti, makikita mo na yung spark. tapos that spark would turn into something more magical, more passionate, more…ayoko nang ituloy. baka censored e…

again, good work, miss noringai. ang sinulat mo ngayon ay isang bagay na ayokong harapin, pero you helped me face it. at chaka pag nakita mo ulit si direk ha?🙂



Re:
by anGelTears

Wednesday, March 23, 2005 @ 03:13:35 AM



You wouldn’t be settling, you’re simply opening your mind and heart to the possibility that the spark simply took its sweet time to be felt.

That was the same situation I was in. Singlehood was my fate for nearly half a decade, and among the reasons for choosing that was the lack of that spark. When I thought I found a guy who managed to raise my pulse rate a bit. . . he fades into nothingness. Sobrang spark, biglang nagliyab at nawala sa kawalan hehe.

Around the same time there was this guy who was all sweet, thoughtful, gentlemanly and very patient. I must’ve been too blinded by what I thought was spark from the other camp, I originally wrote off Mr.Nice as. . . well, Mr.Nice. Thankfully I did not close my doors to him and throughout the many experiences we’ve shared, I got to know him more and realized. . . we’ve got not just sparks flying – there was a whole fireworks display😀 Guess who I decided to end my half a decade singlehood streak with? (“,)


·        
mr Nice by noringai on Friday, March 25, 2005 @ 11:48:26 AM
spark vs chemistry
by hydro

Wednesday, March 23, 2005 @ 10:37:12 AM



having/finding spark in a potential partner is indeed welcome. though not a prerequisite for me.
i put more weight on chemistry. it bodes of a better guarantee that you and the other click. the thing with chemistry though is that it takes longer to deliver the verdict on whether you have it or not. kaya naman i usually adopt a more laid-back attitude when deciding. and in the process usually manage to enjoy the ride/moment so far.

kung spark lang ang make or break criteria. masyadong fleeting minsan. kaya you run the danger of deciding prematurely.

hemingways, dunno if that made sense or not. nice read none the less. and glad to see you writing here again.

3 thoughts on “Saan ba nakakabili ng Spark?

  1. Hannah says:

    mami, based on my experience, sa umpisa lang may spark. Ewan ko kung sino ba sa mga kakilala ko na in relationship na hanggang ngayon may spark pa ring nararamdaman. Di ba ang spark parang sandali lang,tulad ng posporo pag sinindihan mo spark ka agad kaso mamatay din after a while. o kaya parang lighter na unti na lang ang fuel pa-spark spark lang pero nde naman makasindi ng yosi hehehe.

    Sabi ng iba LOVE is a chemical reaction na pede maglast ng 18 months. After that wala na…

    So kung ganun, ano tong nararamdaman ko, loyalty? commitment? Hanggang ngayon clueless pa rin ako kasi I’ll I can say he is one of the important person in my life – NAKS kasalan NAH hehehe

  2. janisluvj says:

    well i believe lahat naman nag-start sa “intrigue”, ‘yong parang may something talaga. Pero ung “spark” na yan, parang ignition, pwedeng tuluyang magliyab or mamatay din.

    So cguro kaya may mga relationship na nagwo-work, kasi they choose to stay in love and keep the feelings alive. kasi love is not really just an emotion, basta, feeling ko hindi enough na meron kang feelings, you decide talga whether or not you stay in love with that person.

  3. I’d prefer reading in my native language, because my knowledge of your languange is no so well. But it was interesting!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s