what a 20-something woman would do on a Sunday while sick…

Wala.  

Boring.

Nakakabato.

Nakakainis.

Gusto kong manood ng TV.

Makinig ng music.

Um-attend ng Sunday service.

Kaso hindi puwede. Ilang araw akong sneeze lang ng sneeze at namamaga ang mga mata. Nakakainis talaga. Hindi naman ako sakitin pero talagang madali akong sipunin. Tuloy kahit sobrang dry na ang tearducts ko, patuloy sa pagpatak ang luha ko. Hay, every fours hours, iinom ka ng anti-biotic, every 4 hours din kelangang i-monitor ang temperature. Okay lang kasi bumaba naman ang lagnat ko from a very haute 40 to 39, hay, siguro kung hindi pa sanay ang nanay ko na talagang mataas/malakas ako lagnatin, malamang naisugod ako sa Medical City nang wala sa oras. Nung bata kasi ako, OA daw ang lagnat ko, more than 40 degrees daw, pero umiiyak lang daw ako at hindi pa kinumbulsiyon. Mutant kasi ako.

 Going back to my very boring Sunday, wala akong ibang choice kundi makinig na lang ng MP3 sa cellphone ko. Paulit ulit ng 13 songs as in : Real ng Plumb, Insensitive ni Jann Arden, Landslide ng Smashing Pumpkins, As Long As It Matters ng Gin Blossoms, Kaleidoscope World ni francis M, The World I Know ng Collective Soul, Snow Patrol’s Chasing Cars, 3 door’s Down’s Here Without You, Dishwalla’s Somewhere in the Middle at hindi ko na matandaan ang iba pa.

 Sana nga kaya kong magbasa kaso lang sobrang sakit ng mata ko.

Hay mabuti na lang mutant ako, haha, after two days of being sick, magaling na ako…hehehe…hindi rin tumuloy ang sumpong ng asthma ko, yehey…

2 thoughts on “what a 20-something woman would do on a Sunday while sick…

  1. Ingatz! Bawal magkasakit ngayon…

    Take lots of fluids Sistah. Get well soon, k?

  2. janis says:

    thanks, ruth!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s