ERAP : The Verdict

 Anim na taon tayong naghintay and finally meron na ngang decision. It was sad for someone whom we all had once admired, whose movies we all had seen and we all witnessed the kind of attachment he had established with the commoners, but we have to accept and respect SandiganBayan’s decision :  ERAP, GUILTY sa PLUNDER! I am not an ERAP fan, nor an FPJ’s but there’s still a certain “kurot” feeling over what happened.

 But I am proud of the outcome of the whole event — 2 things stood out. One, there is JUSTICE ; that there is still hope for the judicial system afterall. Hindi patay ang hustisya, may batas at umiiral ito. Second, NO ONE IS ABOVE THE LAW, that the LAW maybe harsh, but it’s the law. Pantay-pantay ang lahat at hindi isinasaalang alang kung sino at ano ka sa lipunan para makamit ang hustisya. Na kahit ang minsang pinaka-makapangyarihang tao sa Pilipinas ay maparurusahan kung mayroon itong nilabag na batas.

 Iba iba ang naging reaction ng mga tao. May nagalit, may natuwa, may nagbunyi at may naiyak. Siguro kung nagkataon at ama ko si Erap, talgang magiging napakahirap nito, baka hindi ko rin matanggap ‘yong hatol. I would really close my mind, my eyes sa lahat lahat. Hindi ko siguro isusuko ang tatay ko. Pero kahit bali-baligtarin natin ang mundo, hinding hindi natin puwedeng isantabi na may kasalanan siyang dapat pagbayaran.

 One of the greatest arguments na sinabi sakin ng isang kaibigan (nung college pa kami dahil pumutok ang issue na to when I was 3rd yr sa college), “Bakit masyado nating kinu-convict si Erap, eh, hindi naman kaban ng bayan ang ninakaw niya?” napaisip din ako. But I made a witty comeback. Kung sakali mang totoo at nakinabang siya sa jueteng, mas lalong malaki ang kasalanan niya. Una, dapat siya ang nangunang i-abolish ang isang ilegal na sugal gaya nito kung saan walang pakinabang ang taong bayan. Sabi ko non, hindi bale ang Lotto, at least under PCSO siya at ang pondo ay ginagamit sa maraming socio-civic activities. Meaning, kahit sabihing mong one way or another merong corrupt na official sa PCSO, alam mong may pinupuntahan ang pera. Pangalawa, siguro nga hindi kaban ng bayan ang kinuha ni Erap, hindi ‘yong kaban ng bayan na nanggaling sa buwis pero isipin mo rin, nato-tolerate ang pagsusugal ng mga karaniwang Pinoy, imbes na ipambili ng bigas or masarap na ulam para sa mga anak or ihulog sa alkansiya’t ipunin ‘yong pera, pinantataya ng jueteng. Hindi nga ito lantarang pagnanakaw pero kahit paano may epekto ito sa kalagayang pampinansiyal ng karaniwang tao di ba? Mga Pinoy pa na mahilig sa easy money!

 Pero ang mas dapat nating isipin at pagtuunan ng pansin ay kung paano tayo susulong. Kung paano, despite the many scandals, mishaps and tragedies sa Pinas, makakaya nating umusad. Let this be part of history, meaning natapos na, dapat nating pulutin lahat ng aral na makukuha natin pero dapat hindi mawala ang focus natin sa totoong goal – maging 1st world country ang Pinas.

One thought on “ERAP : The Verdict

  1. jAh says:

    mOjAh


    ‘gang ngayon seryoso pa din talga ang mga banat mo. di ko nga maintindihan kung bakit hindi ka sumali sa LFS at Gabriella nung college tayo. nevertheless, talagang politics critic ka (tama ba?). naalala ko binigyan ka ng Uno sa Rizal subject mo lalo nang ma-impress si Ma’m Ivy sa essay mo entitled “Bobo? Mabaho? Tanga? Mangmang?” regarding Edsa 3. Lupet ng banat mo dun! Grabe. Natatandaan ko pa “I was born poor but I will never die as one.”

    Sosyal ang lola! Mayaman ka na ba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s