Para sa Lahat ng Kaugali ni Rakhbu!

An Ode to Rakhbu:

Mukha ka namang masaya, in all honesty, noong una tayong magkita, nainggit nga ako sa’yo kasi ang saya saya mo. Everytime na mapapatingin ako sa’yo, nakikita ko ang ngala-ngala mo sa sobra mong kagalakan – humahalakhak ka na parang wala ng bukas. Hindi ni minsan kitang nakitang sumimangot. Naintriga tuloy ako sa’yo, ninais na mapasok ang mundo mo para lamang ma-surprise sa nakasusulasok at tila bangungot mong mundo. Mabaho. Pangit. Negatibo. Bulok. Kaya nga para sa’kin ang code name mo ay RHAKBU, as in reverse ng BURAK — kulay pusali, amoy pusali.

Natutuwa kang pag-usapan ang ibang tao. May sense of joy kang nararamdaman kapag may napagtawanan kang ibang tao — sa suot, so pisikal na anyo, sa paraan ng pagkilos at pagsasalita. Para sa ‘yo, walang pupuwedeng maging mas maganda pa sa iyo. Itinaas mo ang sarili mo sa pedestal, idinambanda ang sariling tila isang Diyosa. Para sa ‘yo, hindi maaaring lumipas ang isang araw ng wala kang nalalait, halos ikamatay mo ang walang mapagtawanan. Kailangan mong manglait at manghamak ng ibang tao. Iba ka, eh, di ba nga isa kang Diyosa?!

Natatandaan ko ‘nung minsan, nagkakasiyahan ka kasama ng mga alagad ng dilim, este, mga kaibigan mo pala, at ‘nong malaman ko kung bakit, naawa ako hindi sa taong pinag-uusapan ninyo, higit lalo sa mga kaluluwa ninyong sobrang inaamag at inuuod na sa kabulukan. Paano ninyo nga bang nagagawang pagtawanan ang kamalian, kakulangan at ang hindi pagiging karaniwan ng iba? At bakit ba kailangang paulit-ulit ninyong hanapan ng dahilan ang mga sarili ninyo upang tuluyang magalit o mainis sa ibang tao? At kapag nakahanap kayo ng rason para mapagtawanan ang mga inosenteng taong itinuturing ninyong kaaway ay nalulubos ang kaligayahan ninyo? Naisip ko pa na siguro, lalagnatin ka kapag naging mabait ka kahit ilang sandali lang.

Naisip ko tuloy minsan, ganiyan din ba ang nanay mo? ang tatay mo? Iyan ba ang gintong aral na ipinamana nila sa iyo? At gusto mong ipamana sa mga magiging anak mo? Ganyang uri siguro ng environment ang kinalakhan mo? No wonder! Hindi talaga kataka-takang maging maaskad din ang ugali mo! Masamang ugat naman pala ang pinagmulan mo, e! Hindi nga naman magbubunga ng sariwa ang bulok!

Minsan naiisip ko, mabuti may kaibigan ka pa, na kayang mag-tiyaga sa ugali mo. Pero naisip ko din, base sa mga nasaksihan ko, “BIRDS OF THE SAME FEATHERS, FLOCK TOGETHER”. Kasi pare-parehong nagra-radiate ang negative energy at nakararamdam ang mundo ng karimlan kapag nagti-tipon tipon kayo ng mga alagad mo. At buti rin nakakatulog ka pa sa gabi (or sa umaga ‘pag night shift ka!)? Hindi ka ba binabangungot? At malamang sa hindi, hindi mo rin alam ang salitang karma, well, panonoorin ko na lang ang balik ng karma sa’yo para naman matauhan ka. At kapag dumating ang araw na ‘yon, nasa akin pa rin ang huling halakhak.

Ipinagpapasalamat ko na rin na hindi ako naging bahagi ng mundo mo. Okay na ding hindi matawag na “cool” dahil hindi tayo “close” or ituring na “outcast” dahil hindi tayo “friends”. Dahil, hindi man ako lubusang mabait, hindi ko naman kakayaning makisawsaw sa kaligayan mo, na kasing babaw ng pagkatao mo!

Sana matauhan ka bago pa mahuli ang lahat at kung sakaling kailangan mo ng tulong, lalo na ng kaibigang maaasahan at totoo, puwede mo naman akong lapitan. Ilang hakbang at ilang cubicles lang naman ang layo ko sa’yo.

Kahit gaano ka kasama, may nagmamahal pa rin sayo.

Si Lord (‘kala mo ako noh! Nananaginip ka ata!).

Ipagdarasal ko ang agaran mong paggaling.
Umaasang magbabago ka,
A.K.O *

——–
*Footnote : About the Author.

Si Janis de Asis po ay isang karaniwang mamamayan na may hindi pangkaraniwang pag-iisip. (Wait, ano ako, BALIW???) Ang nabasa ninyong liham ay hango sa totoong buhay, isang liham na nais ipaabot ng isa sa mga malalapit niyang kaibigan laban sa kaniyang mga detractors, kailangan ng nasabing kaibigan ang “reinforcement”.
——–

3 thoughts on “Para sa Lahat ng Kaugali ni Rakhbu!

  1. aiMz says:

    huminahon ka janis. hindi na pinapansin ang mga ganyang specie. hehe

  2. malen says:

    ang haba

    later ko na basahin!

  3. malen says:

    puso mo! puso moh! hyper ka naman masyado!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s