Sulat Pag-ibig

Para sa’yo Jo Me,(Sobra naman kasi ang pagkamanhid mo!)

Magandang araw sa’yo at sa mahal mong girlfriend! (Aray!!!)

Speaking of your girlfriend(aray!), nakita ko ‘yong picture ninyong dalawa sa friendster niya…You seem to have shared a lot of good memories together…madalas akong maging hopeful dati dahil “single” ung status mo sa friendster (subukan mo kasing mag-upload ng cozy pix nio sa friendster or i-change mo sa “In A Relationship” ung status na-misled tuloy ako at nagpaka-asa asang puwede pa tayo. Lalo na ngayon na ini-air na naman ang Endless Love II – Winter Sonata, e tayo pa naman ang bida dun! Kala ko pa naman happy ending din tayu!!!).

Bakit ba kasi napaka-charming mo at kahit milya milya ang layo natin sa bawat isa, hatak na hatak mo pa rin ang puso ko at kaya mong kaladkarin all throughout Asia and Europe! Nakakainis, na ako na lang lagi ang point of tuksuhan at asaran sa get-together namin nina Ruthie! ‘Lam mo ‘yong feeling na nahihiya na ko sa kanila at ayaw kong pag-usapan ung pagiging sobra kong “obsessed” at “stalker” sa friendster account mo! Nakakapagod din naman, you know! Alam mo dati ang wish ko sana makita kita sa Pilipinas sa Pasko, pero ngayon parang ayaw ko na, kasi in all honesty, nung ibinalita sakin ng friend ko dati ung tungkol sa pagiging “taken” mo a couple of weeks (or months ata) back (imagine: isang spy friend ko sa Dubai ang nagbalita sakin at nag-screenshot ng friendster ng girlfriend mo — Aray ulit!) ay hindi naman ako masyadong (gulp: hindi masyado) nasaktan. Pero parang pag sa real life ko ata makikita yun, ‘yung may kasama kang iba, tas nakaakbay ka, tas sweet kayo, tas susubuan mo or susubuan ka ng food(yuck!) parang hihimatayin ata ako! Or baka buhusan ko kayong dalawa ng fave kong C2 – LemonII flavor! Ngayon ang wish ko na lang sana i-personal network mo na lang ‘yong friendster mo para hindi na ako nate-tempt i-open! Hay, at nadaragdagan lang ang pagka-pikon at pagka-inis ko sa’yo dahil ikaw may iba na, samatalang ako…never mind, ibahin na lang natin ang usapan!

Kung binabasa mo man ang blogs ko (w/c I definitely doubt dahil malamang hindi mo na ako naaalala), sabi ko naman hindi ko igi-giit na mahalin mo rin. Okay na sa akin ‘yong ganito. Naalala ko lang ung post ko (November 28) tungkol dun sa “dream” ko last time tungkol sa’yo, may part dun na nakita ko na may kasama kang girl (parang kamuhka nga ng gf mo ‘yon) tas nagising ako na umiiyak. Parang eto yung nangyayari. Para atang warning yun – parang sign. Kelangan ko na talagang mag-move on at kalimutan ka kasi sabi nga ng mga friends ko — hindi na daw healthy ‘yong nararamdaman ko — at well, mukha namang okay kayo ng gf mo together! (Teka lang nahihirapan na ata akong huminga…)
Sana okay ka lang diyan, hindi ka masyadong nahihirapan, kumakain sa tamang oras, nagte-take ng vitamins, nagpe-pray, nagbabasa ng bible, nanonood ng tv(may TFC or GMA Pinoy TV ba kayo sa bahay?), natutulog ng at least 6 hours sa night (siyempre gabi ka naman siguro natutulog dahil hindi ka na sa call center nagta-trabaho) at hindi nagkakasakit. Sana hindi ka inaaway ng gf mo (dahil baka masabunutan ko yan pag inaway ka dahil ako lang, tandaan mo, ako lang ang puwedeng magtaray sa’yo)! Sana hindi kayo nag-aaway and sana may blessing ni God ‘yong relationship ninyo (ang hirap sabihin non kasi parang hiniling ko kay God na sana ibigay ka na niya talga sa gf mo at hindi saken) specially if she really makes you happy. I hope maging mas masaya at mas strong ‘yong relationship ninyo (teka…hindi na tumitigil sa pagdugo ang puso ko…kelangan ko na atang magpahatid sa Broken Heart Center) at kung totohanan na yan, matuloy sa wedding at mag-raise kayo ng isang Christian family.

Sana naniniwala ka sa lahat lahat ng isinusulat ko dito dahil totoo yun (pwamis!). Mahirap sabihin sa isang taong minahal at minamahal mo nang sobra na sana maging masaya sa piling ng iba. Pero wala naman akong magagawa dahil I know na she’s really making you happy at kung talgang mahal mo siya(check check: I can’t believe na buhay pa ako!), may magagawa pa ba ako?! Ang prayer ko lang naman na sana hindi ka masaktan dahil mas masasaktan ako if ever.
And please, don’t mind me. Yong pain, kaya ko yan. Asus, parang kalyo lang yan sa paa, titigas din pag tagal hanggang sa maging numb(hehehehe). Kaya ko ito. Isa lang ang hiling ko kung ikakasal na kayo, wag na wag ko na sanang malaman at please kahit hindi tayo close, wag mo kong kunin na ninang ng magiging anak niyo!!!

Sige, ‘gang dito n lang ang letter ko kasi baka magalit si Mr. Smith ng friendster dahil ako ang sobrang umuubos ng resources ng friendster (sipag mag-blog, maraming photo album,maraming photos, maraming friends, etc…) Basta sana mag-ingat ka lagi, sa work, sa pag-akyat sa bundok, sa pag-aayos ng kung anik na anik na may kinalaman sa computers, sa pag-visit ng iba’t ibang places at sa lahat ng ginagawa mo.

At lagi mong tatandaan na mahal na mahal…

Mahal na mahal…mahal na mahal pa den ang palitan ng dollar against peso, pero good news pa den kasi nag-roll back ung presyo ng gasolina kaya rollback den ang pamasahe sa jeep (P7.00 na ang minimum fare).
Ciao! (Ang haba na pala ng letter ko at surprisingly nakakapag-type pa rin ako sa keyboard!)

Nagmamahal kahit hindi mo mahal,
Janis

PS:

By the time na binabasa mo ito, baka hindi na ako humihinga sa sobrang hinagpis at panaghoy sa lubusang pagkawala mo sa buhay ko. You see, you’re my life, you’re my love and you’re one of the many reasons why I continue to live and survive! And I doubt it, really doubt it if I’d love someone the way I love you!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s