EM YU

EM YU

Janis de Asis
(Para kay Jo.Me)

Nami-miss mo rin kaya ako?
Naiisip paminsan-minsan?
Naaalala mo rin kaya ako?
Minsang naging bahagi ng buhay mo?

Alam kong pasaway ako. Mahilig mag-isip.
Mahilig mag-duda. Makulit. Paulit-ulit.
Deadma. Manhid. Mahirap kumbinsihin. Magulong kausap.
Suplada. Mataray. Isnabera…kahit hindi naman maganda!
Pero sabi mo non mahal mo ako di ba? Sabi mo pa nga:
“No amount of words could describe what I’m feeling for you!”
Pero nasaan ka na? Bakit hindi na kita makita?

Makikilala mo pa kaya ako?
Kung muling magkita tayo?
Papansinin mo kaya ko?
Maalalang minsa’y minahal ng puso mo?

Sana noon pa pinatulan kita
Nang naranasan ko kung pano’ng mahalin mo.
Naramdaman ‘yong saya pag kasama ka.
Kahit sa puso ko’y my duda…
na sasaktan mo lang ako…
Pero ano nga bang kaibahan, hindi ba’t nasasaktan pa rin naman ako ngayon…
Disin sana minsan sa buhay ko naging masaya ako sa piling mo…
Sana’y inamin kong mahal kita
Kahit alam kong hindi totoong nagmamahal ka
Kahit nandon yong takot na paglaruan lang ang damdamin ko
Sana’y sinabi kong mahal kita nang sobra sobra
Kahit lahat sa’yo’y trip o laro lang.

At least…
hindi sana ako nahihirapan nang ganito
hindi sana ako nasasaktan nang ganito
hindi sana malungkot ang buhay ko
na parang may kulang
hindi sana nagdurugo ang puso…

Meron ka na kayang iba?
Sana wala…sana wala pa
Sana hintayin mong malimutan muna kita
At hayaan akong muling magsimula.

Nato-torture na ko sa kaiiisip
Kung ano na bang nangyari
Kung mahal kita at mahal mo ako
Paanong hindi tayo nagtagpo?

At parang habambuhay tayong magkalayo???

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s