Basketbol at Pag-ibig at si Figaro

May similarities ba sila?

Meron! Malaki!

Akala ko, everything will be okay now that i’ve learned to love again. Akala ko siya na! I was hoping against hope that he will be the one to heal my broken heart and that I would start trusting again. Sabi n nga ba…sa love it’s not the fall that hurts, it’s the sudden stop! Nung tipong sublime na ung feeling, biglang pe-preno! Ouch!

Para sau Figaro,

You seem to have little ways to conform that the feeling is mutual…well I thought, IT WAS MUTUAL! Why do you have to be always gorgeous everytime I see you? Bakit kelangang maging sweet ka minsan? Pareho pa tayo ng type of music… Why do you have to smile…smile wonderfully? A wondrous smile that would send me to high heavens and cause me to quiver and melt! Pamatay! Bakit kelangang iparamdam mo na meron ka ding feelings? Bakit? “yong mga actuations mo, ung mga titig mo, ung mga panunukso ng mga kabarkada mo…When I often catch you staring at me and all! Nakakainis ka! Why do you have to be so cool and sweet? Sana wala na lang akong narinig na good things about you, sana hindi ka na lang overly na-build up sakin…Sana hindi n lang sinabi nung isang friend ko na “Bagay kayo. Nai-imagine ko nga kayong mag-boyfriend!”. Sana hindi ako nasasaktan nang ganito.

No, sana hindi na lang ako nakinig! Sana hindi ako nakiramdam.
Nag-expect kasi ako. Alam mo un, naghanap…akala ko if you love someone, that person will love you back pag minahal mo nang sobra! I always tell myself that I’d love you ’til you have nowhere to go but love me back. Pero, wala palang effect. Ang hirap talaga maging FEELING! Feeling mo maganda ka! Feeling mo like ka niya! Feeling mo pede na maging kau! Haay!!!

It’s a good thing merong FRIENDSTER…it made me realize that I should stop this non-sense feeling kasi wala namang patutunguhan. You made it clear sa friendster that you want her back. You boldly say it as if isinisigaw mo un sa buong mundo! Eh bakit nga ba hindi, she’s so pretty and ung mga tipong iti-treasure, iche-cherish no talga! U’r still wanting your ex back… Masakit… Sana hindi na lang kita hinanap sa friendster para okay na! Lam mo un…bulag sa katotohanan, ika nga “What you don’t know won’t hurt you!” Kaya ngayon I’ve no choice but to forget everything and move on! Hay pano nga ba ako magmo-move on?

Lagi na lang ganito…lagi akong…

Sawi,
Dyanis

P.S. Hindi Ako Iiyak!!!

Paano nga ba nilalaro ang basketbol? Di ba pag hindi na-shoot ng kalabang team, you have to rebound and get the ball…Box out is the key!Kelangang i-eliminate mo from the board perimeter ung mga gustong kumuha ng bola…including ung nag-attempt at nag-miss ng shot (parang si Figaro)…Parang sa story namin (hehehe…as if meron kaming “STORY”?!)! Si Figaro kasi wanting his ex back, the question is, magba-box out ba ako? So ano na kung makuha ko ung bola? Itatakbo ko ba sa kabilang ring? Iso-shoot ko ba? Ipa-pasa ko? Pano kung ginawa ko na nga lahat at nakuha ko pansamantala ung bola and as I am dribbling back to my side of the court, naagaw uli ung bola (ni Ms. Ex-gf)…wala akong laban kasi magkakampi sila db? Wala akong kalaban-laban kasi mahal niya pa si Ex at ako SEALANT (panakip-butas). Lam mo un hindi pa ako tumitira, TAPAL na! Parang sa game namin, ako ung underdog, sila ung crowd favorite (mala-Ginebra ung drama!!!).

Isa-isahin natin ung scenarios…

A. Sige, granted na ako ung nakakuha ng bola? The most logical thing to do is to run to the opposite court and make a shot (I deserve to be happy den naman di bah?!), Maging masaya kaya naman ako knowing that he’s just around the corner waiting for Ms Ex-gf to come back… Pero, I have to fight for my feelings den naman, kelangang ipaglaban! Pero what if that’d be my last shot? Pabalat bunga and would never have the chance to get the ball again and make a score? Pinatikim lang para mabitin? Talo pa den! Pero sabi nga ng mga friends ko kung pinaglaban ko tong feelings ko at kahit pano nag-reciprocate ka “At least naging masaya ako kahit na pa’no…”. Eh, pa’no n lang kung hindi ko pala kayang i-shoot? Or kung I-shoot at mag-miss ako? Malas talga! Banban!

B. E pano kung si Ms Ex-gf ung nakakuha ng ball – must the game still go on? Should I recede na and give up the fight? What if instead na simpleng 3 points lang ang gawin e nag-dunk sha from the 3-pt area (cge na…kunwari possible un…), tambak ako di bah!? Lalo lang akong magiging kawawa…Or pede deng kung c Ms Ex-gfg ung nakakuha nung ball, I could intercept her and attempt to grab the ball from her, right tapos itatakbo ko sa kabilang ring para maka-shoot? I could even commit a foul di bah…pero magpe-penalty ako…magpe-freethrows siya…what if maipasok niya pareho? Dehado talga ako! What if pinasa niya kay Figaro ung bola, ano kayang magiging decision ni Figaro? Kakayanin ko kaya?

C. Sa aming tatlong naghahabol ng bola, pano kung kay Figaro nga napunta ung bola, ano kayang gagawin niya? Isu-shoot niya kaya ung bola or mag-ko-commit siya ng travelling para mapunta sakin ung bola at maka-score? Paano kung i-shoot niya sa ring nila? E di talo naman ako? Ipa-foul ko ba siya to remind na may isang taong nagmamahal sa kanya around the corner? Pipilitin ko bang agawin ung bola para bantayan niya ako at habulin? Paano kung ipasa niya kay Ms Ex-gf at dahil sa teamwork nila, manalo sila???

Nakakaloka talga ang LOVE, no wonder may mga taong handang mamatay at pumatay para dito… At ako malapit na…malapit nang maloka…Pero now I’ve decided na wag na lang makiagaw sa bola…kung cno makakuha ng bola, bahala sila sa buhay nila… Hehehehehe… Kung sa isang punto ng laro, maisip ako ni Figaro at i-give ung game para sa kin…MASAYA! ANG GANDA GANDA KO!!! Pero kung makuha ni Ms Ex-gf ung bola at magkaro’n sila ng teamwork, then BE IT…siguro nga THEY’RE REALLY MEANT FOR EACH OTHER and I have to be happy for him, at least. Come to think o it, bagay nga sila! Then I move on. Pero eto lang ang sigurado — I won’t be anyone’s doormat…magmamahal ako, oo, but that doesn’t mean na kelangan kong magpakabulag alang-alang sa pag-ibig! Motto ko sa buhay — The only person who has the very right to hurt you and enslave you is YOURSELF! Guiding principle in love — If he can’t be mine, that’s FINE! I won’t be his, too!

One thought on “Basketbol at Pag-ibig at si Figaro

  1. maLen says:

    ang taray ng lola kong SAWI

    janis…oks lang un

    there’s a rainbow always after the rain – o bago lang yan ha

    hehhehe

    u’ll get over it. i’m sure. sabi nga “if it didn’t work out, don’t worry because it wasn’t meant to and you’ll be happier in the end with the person it was meant to work out with…” (hehe)

    cu around,…kain nmna tayo sa labas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s