Archive for Etching Lang

I hate my name!

Sabi nila you should always think that your given name is the best name in this entire planet. Hello? I hate my name kaya noh! Kung bakit kasi ang dami-dami namang ibang name, bakit Janice pa! Basta I truly hate it! Parang wala kasing dating, e! Hindi ko alam kung jologs, hindi naman sosyal. Hate ko lalo kapag ang pronunciation ay Dyanis (mabilis) hindi Dya-nis! Tuloy pinilipit kong i-change ung spelling from Janice to Janis!

- Lagi na lang akong may kapangalan. Noong bago ako sa 1st company na nag-work ako, in-anticipate ng TM ko ang aking pagdating, thinking na ako ung lifetime crush niya from UST. E kapangalan at kaapelyido ko pa. Feeling ko na-disappoint nung ako ung makita instead na ung crush niya. Asssaaarrr!!!

- Tapos pag kukuha ako ng NBI, never, as in never akong nag-attempt kumuha ng clearance na hindi ako bumalik for verification! D-U-H! Mukha ba akong wanted?! Addict, baka pa! Echos!

- Kahit anong klaseng pirma, hay, sabog talga! Para bang walang k ang letter J para gawing lehitimong signature! Bakit kasi hindi sa letter A, M , K or R nag-start ang name ko!?

- Sa tinagal tagal kong nagbabasa ng mga romance novels, 3 beses ko pa lang na-encounter ang name ko. And take note, dakilang KONTRABIDA ang drama — in short — MALDITA, MANG-AAGAW at MAPANG-API ! May isang instance pa na nagamit ang name ko sa isang novel kung saan Aling Janice ang katabi ng bida sa jeep na may B.O.! Ang saklap naman ng kapalaran!  Gayong sa totoong buhay ay BIDA MATERIAL NAMAN ANG LOLA NINYO !!! Kaya nunca, noong sang beses na makita kong Janis ang name ng pangalan ng bidang babae, mega-grab na ako ng copy! Aba, once in a blue moon ang mga ganitong pangyayari!

- Saka sa movies, D-U-H, malabo ba talgang ma-associate sa “sweet” ang pangalang Janice para gawing bida! Haaay! Pasaway ang buhay!

- Tapos ang dali pang hanapan ng pang-inis ang Janice, like “Janice Nakakainis, amoy-patis, amoy-panis! Asawa ng pulis!” Nakakaiyak naman! :(

 Sabi ni Ken, marami daw paraan para mapalitan ang name. May legal na paraan daw at puwede akong magpa-binyag ulit! Or puwede ko din daw siyang pakasalan TODAY para mabago ang name ko! Say ko naman, ung Janice ang gusto kong palitan, hindi ung last name ko! Ayun, kutos ang inabot sakin kahit 6′2” ang height niya! Kiber!

Hay, kayo love ninyo ba ung name ninyo?

 

Comments (1) »

Trackback: Did I really write this? P-A-T-H-E-T-I-C!

“Forget him, girl. He’s gone!” a friend of mine said.
“Yup, move on…Come to think of it, he was never yours. Never. Yours.” another friend of mine whose “wow” as in words of wisdom kept reveberating in my head like a beat that won’t go away. Last song syndrome? Perhaps.

I sighed and inspite of me, I smiled. Funny, as I’ve told myself those same,exact words but to no avail. Maybe I’m just being stubborn but I dunno. I just can’t forget him. No freakin’ way I could afford to forget him. No freakin’ way!!!

There were one too many times I convinced myself I’m soooo over him. Tried every single step I know just so I ‘d get over him, every singe step with utmost care and certainty. I tried as hard as I can to just forget the whole thing but the ghost of him continued to haunt me and I keep coming back to where I started — loving and longing more and more of him each day. Most of my friends think I’m a bit deranged. And this whole thing, this whole concept of loving him incedulous. I’m deranged, yes, maybe I am. Well, maybe not at all. If there’s anyone in this world who’d succeeded to forget the one special person who consumed and occupied his entire being, pray tell me so he could share his two cents worth regarding forgetting and moving on. Then perhaps I will be “healed”!

But how does one really let go? How does one really forget? Is there a science to it? Or perhaps an art? What if I really don’t wanna let go? But, what if I’m just being plain stubborn? Perhaps I’m still hopeful, falsely and desperately hoping that there’s an ending to all of these — a happy-ever-after kinda ending — that’s why I am enjoying this “limbo-himbo” parade that’s raining on me.

Do I really wanna let go? Maybe not at all! Do I really wanna forget him? No! For there isn’t a thing as forgetting, for when a relationship ends, the two parties aren’t totally indifferent of each other — one would hate too much or would continue loving. You see, you can never forget someone! Because the opposite of love is not hate but according to Leo Buscaglia it is indifference, it’s apathy. Once you love someone, that’s already a point of no return, there’s no crossing back. It would be there in your heart somewhere and would leave no more. It’s gonna stay there. When you love someone, it doesn’t go away, thus becomes an intergral part of you, Lest, it becomes you. Then it forces you to care, to love more, to give, to share…

Yes, I could begin a new life, a life that most of my friends have ever intended me to have. But that life would still be a never ending weaving of dreams, of him and me, and love and life. There’s so much joy, surprisingly despite the pain, the heartaches, there’s something undeniably forcing me to ba happy, to be hopeful, to feel joy. There’s so much joy loving him so why depart from it? I may have gone crazy. But love is crazy, isn’t it? And anyone who’s in love is crazy. For it is craziness loving someone without being loved in return. If you get hurt in the process of loving, if you cry a river of tears, that isn’t pain. It’s simply something that reminds you that you sincerely, truly love someone.

Still they say time heals all wounds. I say it doesn’t. It’s gonna leave a scar. They say time makes hearts a little number not to feel pain. I don’t wanna be numb or my heart to get number. I only want love, not time, to heal me. What I want is for time to allow me to hope — to hope that someday, somewhere, someone would be there. What I want is for time to prepare me to love again if he’s not coming back. Still, I don’t believe that love dies. It doesn’t die, for when you say you’re over someone, that doesn’t mean you stop loving but realize that you’ve given that person the love you’re supposed to give and that you have to find another with whom you could give all the love you have in you. That’s what the quest, the search for “The One” is all about.

As of the moment, I am content loving him, even from afar, even if I’m hurting. I don’t care one bit if he can’t love me back, if I can’t take my heart back. For as Roland Barthes said :
“I know no end to desiring you. But why would I seek an end to it? I carry a picture of you in my head like some precious object. I was happy for days. So why would I seek to end this when what makes me happy rests solely on you?”

Don’t ever say it’s pathetic. No! It really isn’t easy to get over a person and move on, especially if that one person, if that one love was the only love you ever wanted.

Comments (1) »

About the New 7 Wonders of Nature

kabayan, kakosa, ka-chokaran, ka-friendster, kamag-anak, ka-chikahan, katabi, ka-klase, kaanib sa ano mang puwersa at organisasyon, ka-sis at ka-brod, VOTE NA KAYO, pls!

3 ang entries ng Pinas para sa New 7 Wonders of Nature. Make them ur 1st,2nd adn 3rd votes - Tubbataha Reef, Chocolate Hills and Puerto Princessa Subterranean River National Park. Natalo na ung Banaue Rice Terraces natin sa nakaraang 7 Wonders of the World, kailangang makuha natin to! Mas ok kung pasok ung tatlo di ba! Pls, to all Pinoys globally, pls vote na din kayo! Kung nag-spend tayo sa panonood sa youtube ng kung anu-ano, konting effort lang para sa Pinas. As in, max na ung 5 minutes sa pag-vote! Hay, ang ganda ganda ng Pilipinas, kailangang malaman yan ng buong mundo!

Pls, pls… nung last check ko, pang-7 ung Tubbataha Reef. Pa-akyatin pa natin! Tapos iakyat din natin ung Puerto Princessa Subterranean River.

1. http://www.new7wonders.com/nature/en/nominees/asia/c/TubbatahaReefReef/

 2. http://www.new7wonders.com/nature/en/nominees/asia/c/PuertoPrincesa/

3. http://www.new7wonders.com/nature/en/nominees/asia/c/ChocolateHills/
 

Eto ung live Ranking:

http://www.new7wonders.com/nature/en/liveranking/

 

More pics :

 http://philippines-archipelago.com/author/visited/palawan.html

http://www.divegallery.com/soft_coral_&_diver.htm

Comments (1) »

T.I.R.E.D

T - otally

I - rritating,

R - estless,

E -ndless,

D - ay-to-day routine!

 

 

I am so &*%#  tired! Ewan ba, parang gusto ko laging matulog na lang nang matulog. I think the contant abuse of my body the past weeks had already taken it’s toll on me. Sobra! GUSTO KONG MATULOG! AYOKO MUNANG MAGPUYAT!

Kaso lang, malapit na ulit ung pasukan, kelangan na namn ng pang-tuition ng kapatid ko at pambili ng school supplies ng mga pamangkins ko!

 

 

Hay life parang buhay! Kaya tuloy wala nang time para sa lovelife…Buti na lang mabait ang ever understanding kong si Ken!

Comments (1) »

Small things that could knock you down!

Mga simpleng bagay na nakakainis :

May mga mumunting bagay na nakakapagpa-high blood sa ‘tin. In my case, minsan iniiyakan ko pa! Ito ang ilan sa mahaba-haba kong listahan…

- sa tuwing magbabalot ako ng set of books, kailangan maski isa, may kailangang magkaroon ng buhok sa plastic cover na kinatatamaran kong tanggalin. Madalas mangyari ito kahit anong walis ang gawin ko sa floor.  Like na like ko pa namang mag-cover ng books nang nakasalampak sa floor.

- bakit ba kahit anong sinop sa gamit, mawawala at mawawala isa man lang sa mga takip ng ballpens mo. Eh nabubuwisit pa naman ako pag wala ng takip ung pen, gusto ko na lang itapon.

- sa tuwing may ibibigay sa’kin na number na nakasulat sa kapirasong papel or tissue at iipit ko sa isa sa mga books or notebooks ko, hindi ko na mahanap kung saang page ko inipit.

- lagi akong may dala-dalang payong sa bag, say it again, as in araw araw, pero sa tuwing magpapalit ako ng bag at makakalimutan kong dalhin ang payong,  saka naman uulan.

- kapag nahuhumaling ako sa isang song, inaabangan ko talaga sa radio, tapos dahil nainip ka nang kahihintay sa station na tinutukan mo, try mo hanapin sa iba. Tapos pag ibinalik mo sa radio station na tinutukan mo earlier, nasa bridge na. Kainis!

- minsan may mga bagay na hindi mo pinapansin or hindi mo pinagkakaabalahang itago, tapos kapag kailangan mo na, saka hindi mo makita. Tapos pag hindi mo na kailangan, saka naman magpapakita.

- mga babaing may long hair na ayaw hawakan ang kanilang hair habang sakay ng jeep at katabi mo. Kulang na lang ipalunok sa’yo ang kanilang buhok! D-U-H!

- mga taong nakasakay sa elevator na laging nakadikit sa control panel ng elevator na hindi mo mapindot ung floor number na destination mo,  tapos pag nakisuyo ka ng floor number, iismiran ka at ang sama ng loob!! Haller! Tapos malalaman mo sila ung huling lalabas ng elevator!! Nak ng&*%$#!

 

—————————————————-

Sabi ko nga, ilan lang to sa mahaba-haba list…on top of my head.

Comments (2) »

Subject : Janina

(After ERAP jokes, si janina naman ang ginawan ng jokes.)
In a Ms World contest, a judge asked 3 finalists to name a human organ starting with letter “L.
Ms USA : The Lungs, without each we cannot breathe.

Ms UK : The Liver, without which we cannot metabolize fats and detoxify  the human body.

Ma PHIL Janina San Miguel : (Laughing confidently) Of course, who could ever forget the Lbow, without which we cannot spread our wings and fly, butterfly.

No comment »

Reactiones Muchos…

“JANINA SAN MIGUEL”

Janina who? Siya po ung nanalong 2008 Bb. Pilipinas World. Honestly, hindi ko po napanood ung coronation night. But with youtube nowadays, how could you miss every single detail about the much-talked about “hilarious” Q&A portion. Watch ninyo na lang:

 “They was the one…” They and was? Verb tense and subject and verb agreement, anyone?

“My pamily was…eto…wait…” Pamily? Ano yun?

“This was really my perst pageant ever…” Errr… “That was” ba dapat o “this is”? Saka ano ung perst?

“I came from one of the tof ten…” I have no idea what she’s talking about here? Peki-enlighten naman ako…

“important persons” Hmmm, lemme see, siguro nga marami silang importante sa kaniya kaya “persons”.

Kaya kinabukasan nagulat ako dahil nagising ako sa interview kay Ruffa Gutierrez sa TV Patrol regarding her reaction. Eh, graveyard shift ako, kahit hindi pa oras ng gising ko, na-curious ako.

Ang reaction ko naman ay ito:

I’ve nothing against her. I would never say na Melanie Marquez Jr siya, Melanie Marquez kasi, bali-baligtarin man natin ang mundo, Miss International yan. In fairness kay Ruffa, I think kahit medyo ni-lait niya nang “konti” e may kabig sa dulo. “Mag-training siya, speech lesson, etc..” At least hindi lang nanlait, nagbigay ng advice. Meaning, gusto niyang tumulong. Para sa akin, wag ipilit kung hindi kaya. Mas naging kahiya-hiya lang ang dating sakin nung nangyari kasi, one, Mass Comm stud daw si Janina di ba? Pangalawa, totoo, marami ngang hindi naman super fluent sa English na sumali way before Janina, but I guess, this is, so far, the worst (pardone, Janina!). Pangatlo, mukhang mas inaral niya ang pag-project — sa pagrampa, sa pagngiti, sa pagpapa-charming, lalong lalo na sa pag-iyak! Mukhang nakaligtaang i-polish ang communication skills niya. Pero tingin ko wala siyang kasalanan kung naging katawa-tawa siya kasi that’s her. Eh, yun siya kaya kailangang tanggapin natin siya as “siya”. Anyway, hindi naman siya judge nung gabing ‘yun di ba?! So for me, meron pang higit na mas katawa-tawa kaysa sa kaniya because the crown was given to her amidst all consternations…

Seven months to go pa naman before the Ms World pagent kaya I think, kakayanin ni Janina yan! Ang dami na ngang call center at speech learning centers sa bansa, kung ako sa kaniya, try ko mag-enrol. Who knows, siya ang maging kauna-unahang Miss World from the Philippines di ba. Pero kung sakaling before October eh hindi mahasa si Janina, magdala na lang talaga siya ng interpreter. Huwag nang ipilit kung hindi talaga kaya. Mano namang mag-Tagalog siya sa pagent?! Eh bakit nga ang mga Latinas, ung mga favorites like Ms Mexico, Venezuela, Puerto Rico, Brazil, etc… kahit puro “porque” lang ang naintindihan ko sa sagot e nagpapanalo naman sa mga beauty pageants!

MAGPAKATOTOO KA NA LANG SISTER!!!!

———————————————————————————————

“RUFFA VS LANI : ANABELLE RAMA VS LOLIT SOLIS”

Aware ba ang lahat dito? Hehehe. basta si Anabelle Rama, feel na feel kong panoorin, hehehe! Entertainment at it’s finest, to the fullest, to the max!!!

Sabi ni Ruffa :
“My pouty perfect lips…”
“Naku naman that was 25 years ago..let’s all move on!”
“I’m such a big damulag, how can you not see me?”
“Lani, can you please text me…”


Famous lines ni Anabelle Rama :
“Malaki daw ang b&$%# ni Bong!”
“Yang ang napapala ni Ruffa sa pakikipagplastikan!”
“Tama na Dong, kumain ka na Mario..”

Comment ko : NO COMMENT! Tatawa na lang ako nang tatawa!

No comment »

Kuwentong Dyipni

Papasok na ako ng office kagabi. Mga 9:45 Pm na yon. Sumakay ako ng jeep papuntang Cubao. Tapos noong nasa bandang IPI na ‘yong jeep at papaliko ng E Rod Ave, may sumakay na babae. She was a bit crippled and was holding a rod. Sabi niya pa pagka-akyat niya sa jeep sa mag-inang nakaupo sa katapat kong dulo,  ”Pausod nga!” in a very rude way. Nakaupo ako sa dulo, umupo siya sa tapat ko.

 Habang umaandar ang jeep at nasa bandang Green Meadows na kami, bulong siya nang bulong. Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya and ano nga bang paki ko kung may sinasabi nga siya. Tapos bigla kong kinusot ang mga mata ko, kasi nga feeling ko may factory ako ng muta sa mata dahil sobra akong mutain. Aba sukat ba namang mag-litanya ang weird na babae:

“Akala mo kung sinong maganda. Kung makapintas ng dungis ng iba, sobra! Eh hindi ka naman kagandahan. Hindi nga ako nagagandahan sa iyo, e. Ang kapal ng mukha. Bago ka nga mamansin ng dungis ng iba, tumingin ka muna sa salamin at linisin ang sarili mong dungis. Akala ko kung sinong maganda to. Hindi ka naman kagandahan. Hindi nga ako nagagandahan sa iyo! Ang kapal! ”

 Deadma talaga ako throughout kahit ang sama sama na ng tingin niya sa akin, Malay ko ba, ngi hindi ko nga siya tinitingnan. The nerve!

Tapos bandang Monark, pumara siya at bumaba. Hindi man lang nagbayad ng fare. Akala ko nga papaluin ako ng rod. Hello?! Inano ko kaya siya, ngi hindi ko nga siya tinitingnan. Gusto ko pa ngang sabihin na may special spot sa puso ko ang mga handicapped at special people.

 Nang makaba siya, sabi ng babaeng katabi ko na bumaba rin sa Eastwood na gaya ko, “Sino ba ang kaaway non?” Hay, bothered ang katabi kong girl. Sabi ko “Hindi ko nga pinapansin, e. Baka may topak. Pag pinatulan, mas may sayad ang papatol!”

 Anak ng…bakit kaya siya nagalit sa ‘kin, e wala naman akong ginawa at sinabi sa kaniya?!

W-E-I-R-D!!!

No comment »